"Buttercup, what if sa company ka namin magtrabaho? Para naman palagi kitang kasama at ganahan ako,"suhestiyon sa akin ni Max. "Hindi na lang Max, maayos naman ang kita ko sa pagtitinda ng cupcakes," mahinang tugon ko sa kaniya. Napabuntong hininga ako ng malalim, gustuhin ko man na sumang-ayon sa gusto niya ay hindi ko magawa. Alam ko na hindi magugustuhan ng mommy niya na nandoon ako. Baka lalo lang uminit ang dugo sa akin noon. "Are you okay? May iniisip ka ba? Sa nakalipas kasi na mga araw ay napapansin ko na wala ka sa sarili mo at parati kang nakatulala," tanong niya sa akin. "Ayos lang ako Max, huwag mo na akong alalahanin pa. Mas mabuti pa kung yung kumpanya ninyo ang pagtuunan mo ng pansin para naman matuwa sa iyo ang mommy mo," sagot ko sa kaniya habang hindi ako makatingin n

