Limang oras na simula nang iwan ako ni Max dito sa bahay. At sakto naman na dumating si Clare at Danny sa bagong bahay ko. Nagtext ako sa kanila na kung puwede nila akong samahan. Pakiramdam ko kasi ay napakalungkot kung mag-isa lang ako sa malaking bahay na ito. Tutal first time nila dito ililibot ko na rin sila. "Ibang level ka na bakla, mukhang napapaikot mo na sa kamay mo si Max," natatawang saad ni Danny nang makapasok sa bahay. Napansin ko si Clare na tahimik lang sa likod ni Danny at tinitingnan lang ang mga gamit sa loob ng bahay. "Clare, are you okay?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Yep, don't worry about me," aniya na hindi man lang ako tinitingnan. "Ang laki ng bahay mo ngayon ahh. Ganda," dagdag pa niya at nauna nang naupo sa sofa. "Siyempre naman bakla! Si fafa Max ang may b

