Episode 9

1369 Words

"Tama ba itong ginagawa ko?" Tanong sa akin ni Max habang hinahalo ang mga ingredients. "Oo haluin mong mabuti. Huwag kang matamlay, siglahan mo naman. Para kang hindi pinapakain," pang-aasar ko sa kaniya. "Psh. Akala mo naman kung sinong magaling." "Kung batukan kaya kita ng isa riyan? Kapag iyan hindi nagustuhan ng customer ko patay ka sa akin." Pinanlisikan ko siya ng mata pero binelatan niya lang ako. Sarap niya isubsob sa harina. "Nasaan nga pala ang parents mo? Ikaw lang ba mag-isa dito." Napahinto ako sa aking ginagawa sa biglaang tanong niya. Parang naninikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman sila. ~Flashback~ "Sir wala po akong ginagawang masama sir!" Pagpupumiglas ng aking ama sa mga pulis na humahatak sa kaniya. "Arturo! Bitawan niyo siya! Inosente ang asawa ko!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD