Episode 36

2112 Words

Pagkatapos ng shift ko ay agad na akong tumakbo palabas ng kumpanya. Hindi ko na ininda ang pagod na nararamdaman ko. Mas pagod ngayon ang puso ko. Hindi ko na hinintay pa si Max at ang tatlo pa niyang mga pinsan. Mauuna na ako sa kanilang umuwi. Pagkalabas ko ay dali-dali akong tumakbo para pumara ng jeep na masasakyan pauwi. Pero kahit isa sa mga pinapara ko ay hindi ako hinihintuan dahil sa puno na ang mga ito. Naglakad pa ako ng ilang metro at naupo sa terminal na nakita ko mula sa malayo. Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak at humagulgol na ako ng malakas. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng si Shaine. "Ang kapal naman talaga ng mukha ni Max. Tss. Engaged na pala siya hindi niya man lang sa akin sinasabi. Arrrggghhh!! Nakakainis siya!" Inis na inis kong anas habang umiiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD