Two days after... "Good morning mojojo!! Anong gusto mong breakfast?" Masiglang tanong ko sa lalaking nagbabasa ng diyaryo sa may sofa. "Good morning buttercup, kahit ano basta ikaw ang nagluto, misis ko," sagot niya. Alam niya talaga akong pangitiin. Bolero. "Ako gusto ko ng bacon sandwich!" Sigaw ni Kai. "Sa akin kahit ano basta masarap!" Sigaw naman ni Theo. "Ako gusto ko ikaw!" Sigaw naman ni Omari. "Omari!!!! Pahamak ka talaga! Kapag tayo hindi pinakain ni Max ikaw ang kakainin namin ni Theo," banta ni Kai. "Mga bingi ang sabi ko ihaw! Maglinis kayo ng tenga niyo," palusot ni Omari. "Kailan ba aalis ang pinsan mo dito sa bahay? Hindi ba at may bahay naman sila? Katabi lang nitong bahay na binigay mo sa akin. Tatlong linggo na silang nandito at daig pa talaga nila ang babae s

