Chapter 2:First meeting
"CAREFUL, baby," malambing na sabi ni Lervin sa akin at tumabi pa talaga siya sa akin. He caressed my back and I stilled because of that.
Parang nayanig 'yong system ng katawan ko dahil sa simpleng haplos niya lang sa akin.
Ganito po kalakas ng impact ng asawa ko sa akin. Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman, basta ganito na siya.
Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Naiilang ako minsan pero gustung-gusto ko naman siyang makita. Eh, kahit minsan wala na akong pakels sa kanya.
I can still remember our first meeting. Nasa Bitter & Better Restaurant kami noon.
"Are you ready to met your future husband, apo?" mahinahong tanong sa akin ni Daddy-lo Arthur.
Umuwi ako nang maaga kasi nga ime-meet ko raw ang future husband ko, ang sabi ni daddy-lo sa akin. Freshman pa lang ako sa college ay gusto na niyang maikasal na ako kaagad.
Si daddy-lo na lang kasi ang nag-iisa kong pamilya. Ulila na ako sa parents ko. Namatay sila noong five years old pa lamang ako. Car accident daw sabi ni Daddy-lo at dead on arrival.
Kaya si Daddy-lo na ang nag-aalaga sa akin at ngayon nga, lumaki naman ako nang maayos. Kaya mahal na mahal ko talaga ang Lolo ko. Kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko na lang.
Kaka-18 ko pa lang three months ago. Isa pa nakapagka-sunduan nina Daddy-lo na civil wedding pa lang daw muna. After graduation ko na lang daw ang grand wedding. Though, okay lang naman sa akin ang civil wedding.
"Yes, Daddy-lo," nakangiting sagot ko sa kanya.
Ready na nga ako, kahapon pa. Nagsuot lang ako ng off-shoulder dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Kulay red ito at pinarisan ko ng doll shoes sa baba. Hinayaan ko na ring nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang baiwang ang haba nito.
Si Daddy-lo ay nakasuot naman ng black suit. Formal na formal ang ayos niya at kahit may katandaan na ay guwapo pa rin ang lolo ko.
"Good evening." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita na malapit sa table namin ni Daddy-lo.
Napaka-baritono ng boses ng lalaki at nang masilayan ko ang hitsura niya ay bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko.
Ang guwapo! Halos malaglag na nga ang panga ko sa floor ng resto na ito.
Naka-formal suit din siya at kahit tila pokerface lang siya ay hindi man lang nabawasan ang kagandahang lalaki niya. Where is justice?
Feeling ko tuloy pang-w*****d character fictional si kuya.
"Good evening, too hijo. Maupo ka," nakangiting aya sa kanya ni daddy-lo at base sa boses ni Daddy-lo ay mukhang masaya siya. Saan naman? Masaya ba siya na makikilala na namin ang isa't-isa nitong kuyang pogi?
"Uh, hijo. This is Arthea Primero, my beautiful granddaughter," pagpapakilala naman ni Daddy-lo sa akin at nagtama naman ang mga mata namin.
Doon, at mas natitigan ko siya ng mabuti. Mula sa mala-perpekto niyang kilay, ang malamig na malamig niyang mga mata na kulay abo. Pababa sa matangos niyang ilong at mapupula niyang labi.
Ang guwapo niya talaga. Bigla akong nauhaw. Kaya 'yon nga ang ginawa ko. I drink my cold water.
Feeling ko namumula na ang face ko ngayon. Unang kita ko pa lang sa kanya ay ganito na ang nararamdaman ko. Parang may paruparo sa loob ng stomach ko at kinikilig ako.
"And apo, he's Lervin de Cervantes. Your future husband."
Wew! Hindi ako lugi nito! Guwapo naman ang mapapangasawa ko. Pero mukhang suplado?
"Hi, beautiful. I'm Lervin," pagpapakilala naman niya sa akin. Tumayo siya at yumuko malapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan pa ito.
Napaawang na lang ang labi ko sa ginawa niya at napalunok ako nang ngumiti pa siya.
Oh, good God! Parang nanginig ang sistema ko dahil lang sa paghalik niya sa kamay ko! Tapos parang may kuryente pa?
Holy, God! He had a set of dimples!
Ang ganda! I composed myself and I cleared my throat before I smiled at him.
"Nice to meet you, Lervin. Just call me, Art," nakangiti ring sabi ko and wew. Hindi ako nautal.
"Well, please to meet you too, baby."
***
OKAY naman ang una naming pagkikita but after our wedding? Nah, biglang naglaho ang kabaitan niya at hayon nga. Madalas hindi na siya umuuwi sa bahay namin.
Minsan ko na lang din siya na nakikita, eh. Oo na, sinabi ko kanina na wala akong pakels--pakialam sa kanya. Pero totoo! Nag-aalala rin ako sa kanya!
At dahil nag-aalala nga ako ay nakakatampo rin. Kasi ako ang asawa niya at wala man lang akong ideya, kung saan siya nagpupunta o kung okay lang ba siya ngayon.
Isa pa, alam ko namang busy siyang tao. Busy sila sa mga pasyente nila sa hospital at isa pa, doctor naman siya.
***
"IHAHATID na kita." Malamig na naman ang boses niya. Nakakainis siya. Hindi porket asawa ko siya ay hindi ko na siya aawayin, hmp!
"Just go, I can go back to school. Magra-ride ako ng taxi. Sayang ang oras mo sa akin," may pagtatampo kong sabi.
Hindi naman kami close niyan pero paminsan-minsan din ay nag-uusap naman kami. Komportable naman akong awayin siya pero madalas talaga, wala kaming kibuan.
Mariin na magkalapat ang mga labi niya at malamig na tiningnan niya ako. Tapos parang bored na bored pa ang klase nang pagtitig niya sa akin.
"Don't be stubborn, Arthea," he said in a cold voice and he use his authority voice at the same time. Pss.
Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lamang siya. Lumapit na ako sa kaibigan ko at pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Shin.
"You guys can go na. We can manage to go back to school," I said and Lervin took a deep breath.
Magsasalita na rin sana ang hubby ni Shin, kaso naunahan na siya ng kaibigan ko.
"Yeah, okay na kami rito. Sasakay na lang kami ng taxi and besides, nag-taxi naman talaga kami papunta rito," mahinahong saad ni Shin.
"Alright." Pagsuko ni Lervin at nginisian ko na lamang siya.
"Ipapara ko na lang kayo ng taxi," ani Cervin at iyon na nga ang ginawa niya.
Huminto sa tapat namin ang taxi na pinara ni Cervin at binuksan nito ito kaagad ang pintuan ng sasakyan.
Bago pa isara ni Cervin ang pintuan at binalaan pa niya ang taxi driver.
"Dahan-dahan po kayo sa pagmamaneho, manong. May babae po kayong pasahero." Cool.
"Take care."
Pinausad na ng taxi driver ang kanyang sasakyan at sabay pa kaming napatingin ni Shin sa labas ng bintana.
Mabilis din silang sumakay sa sarili nilang sasakyan at napailing na lamang ako.
Binalingan ko nang tingin ang kaibigan ko at katulad ko rin ang reaction niya.
"Seriously? Bakit nakasunod ang kotse ng asawa mo, Art?" nagtatakang tanong ni Shin.
Napaismid ako, "bakit nakasunod din ang sasakyan ng asawa mo, Shin?" balik na tanong ko naman sa kanya.
"Sa totoo lang, Art. Pang-w*****d fictional character ang face ng hubby mo, eh," aniya at may pagkamangha na naman sa kanyang boses.
Sa kanya ko pa nalaman ang mga ganyang fictional character daw.
"Parang asawa mo rin?" tila inosenteng tanong ko.
"Oo, madalas na snob at tahimik. Kahit strict 'yan ay alam kong importante sa kanya ang mga taong nasa paligid niya,"sambit ng kaibigan ko at may kahulugan 'yon, ah.
"Kasama ka naman kaya?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Ewan ko," sagot naman niya at nagkibit-balikat lang.
Okay na sana 'yang asawa ko, eh. Kung hindi lang siya gago. Alam ko naman na hindi magaspang ang ugali niya. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ibang-iba ang pagtrato niya sa akin.
Nakakaiyak nga ang ugali niya, eh. Kahit na hindi ko pa siya lubos na kilala.
Chapter 3:Drunk
"WALA kayo sa last subject ko," malamig na sambit ni Miss Emily, ang professor namin sa History. Mid-40 pa lamang 'yan at matandang dalaga kaya natural maldita.
Nakasuot siya ng malaking eyeglasses at ang looks niya? Nakakatakot, pati ang aura niya. Wala kasing emosyon, eh.
"Next next week na ang foundation ng University natin. So, I expected you na kayo ang tutugtog sa foundation night. You can't say no to me or else goodbye grades," may pagbabanta na sabi niya, saka niya kami tinalikuran.
Nagkatinginan kami ni Shin at namumutla na rin siya. Crap! I forgot na si Miss Emily pala ang last subject namin at history pa iyon! Siya pa naman ang pinaka-strict at maldita na prof namin.
Third year college na kami ni Shin at same course pa kami, HRM. Magka-klase rin at last year ko lang din nakilala si Shin.
Una, snob 'yan at walang pakialam sa piligid. Akala mo may sariling mundo at cool siya. Kaya roon nakuha niya ang atensyon ko.
Nilapitan ko siya at kinaibigan. Mahirap ding paumuin ang mailap na lion. Pero sa huli napaamo rin.
Bukod kay Marshin Escalante ay may kaibigan pa akong iba. Pero guy bestfriend naman iyon.
Oh, speaking of the devil. Nandiyan na sila.
"Paano na, Art? Tutugtog? Means kakanta rin!" aniya at tila kinakabahan na rin.
"Eh, 'di tutugtog. You can play guitar and me, I can play piano. Pipili na lang tayo ng kanta," sabi ko at may ngiti sa labi.
Wala namang kaso sa akin iyon eh. Saka mahilig akong tumugtog ng piano. At alam kong marunong din tumugtog ng guitar si Shin, maganda rin ang boses niya.
"Nakakainis. Ayoko pa naman sa lahat ang maging center of attention," naiinis na sabi niya at tinawanan ko na lamang siya.
Naglakad na kami at sinalubong naman kami ng kambal.
"Cutting class, ladies?" tanong ni Crimson. Crimson del Labiba. Nasa last year na sila ng college at business management ang course niya.
Si Crimson na guwapo at magaang kausap. Mabait kasi siya at gentleman. Ang dami ngang nahuhumaling sa kanya, maski mga juniors eh.
Maputi siya and he stood 6'2. Pang-model type. May pagka-singkit ang mga mata niya at matangos ang ilong. Pinkish ang lips niya.
"No wonder," parang bored na komento naman ni Drimson.
Drimson del Labiba. Mukhang bad boy at suplado. Snob 'yan pero hindi naman mailap sa tao. May pagka-play boy rin siya. Mainitin ang ulo at nauubos kaagad ang pasensiya. Pero malambing 'yan at mabait sa amin. Architecture ang course niya, same year. Guwapo rin siya, malamang kakambal niya si Crimson.
Inakbayan ako ni Drim at dahil malaking tao siya ay nabigatan ako sa braso niya.
"Ang bigat mo, Drim!" reklamo ko sa kanya at humalakhak lang siya.
"Why so grumpy, Shin?" tanong naman ni Crimson kay Shin na ngayon ay pokerface na siya.
Hindi niya pinansin si Crim at diretso lang ang paglalakad niya at hinabol naman siya ni Crimson.
"Saan kayo pumunta?" untag na tanong sa akin ni Drim, habang naglalakad na kami patungo sa department namin. Ihahatid yata kami ng dalawang 'to.
"Sa SM, gumala," maikling sagot ko.
"Ah..." iyan na lamang ang sinabi niya at tahimik na kaming naglalakad.
IT'S past six pm nang makauwi ako sa bahay namin ni Lervin. Before our wedding ay binili na ito ng parents ng asawa ko.
Malaki ang mansyon. Limang kuwarto at may dalawang guest room. May library, laboratory ni Lervin. Third floor ito at may rooftop.
Simple lang siya kung titingnan pero elegante sa loob. May tatlong kasambahay kami ni Lervin at sila lang ang gumagawa ng trabaho rito.
Estudyante pa ako kaya malamang wala rin akong ginagawa rito sa bahay namin. Isa pa bihira namang umuuwi rito ang asawa ko eh.
Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto namin ni Lervin ay kaagad na ako nagpalit ng school uniform ko. Oo, nasa iisang silid lang kami ng asawa ko pero never naman naming ginagawa ang alam niyo na.
Humiga na ako sa kama ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lamang ako ng marinig ko ang sunud-sunoran na pagkatok mula sa pintuan ng aming silid.
Bumangon na ako at tinungo ang pintuan. Sumalubong naman kaagad sa akin si Aling Susan.
"Bakit po?" inaantok na tanong ko sa kanya.
"Nakauwi na ang asawa mo, hija at nasa baba na siya. Puntahan mo," sabi sa akin ni Aling Susan.
Nawala naman bigla ang antok ko at kumunot na lamang ang aking noo.
Himala yatang umuwi ang asawa ko. Napako naman ang tingin ko sa wall clock.
Nice. 9 P.M na!
Sinuklay ko na lang ang buhok ko na gamit ang mga daliri ko at lumabas na ako mula sa aming silid.
Nadatnan ko si Lervin na nasa living room at may bote ng alak ang hawak-hawak niya.
Kita mo 'tong asawa ko. As usual talaga, kung umuwi ay naglalasing na kaagad. Parang hindi doctor ang 'sang 'to. Kaloka.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at akma na niyang ilalaklak ang bote nang mabilis na inagaw ko 'to.
Seriously? Ano na naman kaya ang drama ng isang 'to. Talagang wala ng pagbabago sa kanya.
"There you are my beautiful wife," aniya at lumapit sa akin. He snake his arm on my waist and he hugged me.
"Doctor ka ba talaga o trip mo lang? Alam mo namang masama sa kalusugan ang alak ah!" pangangaral ko sa kanya at malakas na tinulak siya.
Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nakabalanse kaagad.
"Amoy alak ka!" naiinis na sabi ko.
"Uh-huh? Come here, baby. Payakap ako," nakangising sambit niya.
"What's your problem, Lervin de Cervantes?" malamig na tanong ko sa kanya at napahawak pa ako sa baiwang ko.
"Jillian...Jillian."
Natigilan ako sa biglang pagsambit niya sa pangalang iyon. Matagal-tagal na rin simula ng marinig ko ang pangalang binigkas niya.
Hanggang ngayon ba naman ay si Jillian pa rin ang hinahanap-hanap mo, Lervin? Si Jillian pa rin ba kaya ang mahal mo?
Ang Jillian na iyon na walang ginawang iba kundi ang saktan ka lang niya? Kundi ang paiyakin at pahirapan ka niya?
"Why this world is unfair?" malungkot na tanong niya. I took a deep breath. Heto na, hetona naman ang pagkirot sa puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Basta nagising na lang ako isang umaga ay nasasaktan na para kay Lervin na sobra-sobrang nagmahal sa babaeng kasal na.
NAKILALA ko si Jillian noong honeymoon namin sana ni Lervin.
Sa Canada ang honeymoon namin pero iniwan niya lang ako roon at sumama siya sa Jillian na iyon.
Doon niya rin sinabi na may mahal na siyang iba at huwag daw akong umasa sa kanya na mamahalin niya ako.
Hindi naman siya against sa kasalang ito pero wala lang daw siyang choice. Sa totoo lang ay puwede naman siyang tumanggi pero hindi eh.
Pinili pa rin niya ang matali sa akin kahit na may mahal na siyang iba. Pero akala ko mahal din siya ni Jillian pero hindi rin.
Last year ko lang nalaman na kasal na si Jillian. Three years na yata itong kasal sa matalik na kaibign din ni Lervin.
Sa una, oo. Wala akong pakialam sa kanya pero makalipas ng dalawang taon ay nagsisimula na akong magkagusto sa kanya. Kahit bihira ko lang siya makita.
"Hmm... Jillian..." mahinang bulong niya at nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na labi niyang dumapi sa balikat ko.
"For Pete's sake, Lervin! You are drunk!" bulyaw ko sa kanya at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Walang hiya ang lalaking ito.
Matapos kong alalayang makapasok si Lervin sa aming silid ay pinalitan ko na kaagad ang kasuotan niya. Ngayon ay mahimbing na ang tulog niya.
White t-shirt at black pajama ang kasuotan niya ngayon at kahit papaano ay hindi na siya amoy alak. Matapos ko rin siyang punasan ay nakatulog na siya kaagad.
Ang kaso ay wala ring tigil ang pagbigkas niya sa pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ba'ng mayroon sa babaeng iyon at hanggang ngayon ay patay na patay pa rin ang asawa ko.
By that thought, may kung anong patalim na naman ang bumaon sa puso ko.
I took a deep breath. Humiga na ako sa tabi ng asawa ko at naalimpungatan siya dahil doon. Lumapit siya sa akin at kinulong niya ako sa mga bisig niya.
Hinayaan ko na lang siya at niyakap pabalik. Parang kanina eh, maayos pa siya. Pero nang umuwi na eh, para siyang natalo sa sugalan.
Bigung-bigo siya. Hay naku, Lervin babe, kung maaari lang utusan ang puso mo na magmahal sa iba baka mag-apply pa ako para ako na lang ang mahalin mo.
Chapter 4:Suspicion
NAGISING ako kinabukasan na wala na sa tabi ko ang asawa ko. Wala namang bago.
Ganoon pa rin, magtatabi kaming matulog sa gabi at kinabukasan ay madadatnan ko ang katabi kong wala na siya.
Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa kanya? Tss.
9 AM pa ang pasok ko ngayong araw at nang sinuri ko ang wall clock namin ay 7:30 na.
Bumangon na ako at pumasok sa banyo para makaligo na. At nang natapos na ako ay nagsuot na ako ng uniporme ko.
Basang-basa pa ang buhok ko pero hinayaan ko na lang din. Bumaba na ako at tinungo ang kusina.
Doon nadatnan ko ang asawa ko sa dining area, nakaupo na at umiinum ng kape. Nakatutok ang mga mata niya sa hawak-hawak niyang cellphone.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa tapat niya. Sa ganitong pagkakataon ay alam kong hinihintay niya lamang ako.
Sabay kaming mag-aagahan at walang kibuan. Pagkatapos ay aalis na siya kaagad, ako naman ay ihahatid ng family driver namin.
Never, as in never pa niya akong hinatid sa university namin. Kaya tinanggihan ko siya nang akma niya akong ihahatid kahapon.
Like, nakakapanibago hindi ba? Oo na, cold siyang tao. Sa akin lang iyon.
Katulad nga ng sinabi ko ay walang paalam na umalis na siya at base sa mga kilos niya ay nagmamadali pa siya.
Umiiling na tinanaw ko na lamang ang papalayong pigura ng asawa ko at heto na naman ang pagkirot sa dibdib ko.
Kailan ba nagkaroon ng pakialam sa akin ang asawa ko? Kailan ba niya ako naisip? Kailan ba niya ako inalala na naghihintay ako sa kanya at hinahanap siya?
Of course, he didn't know that I care for him. I'm just his wife on paper. Hindi ako espesyal sa kanya. Para lang naman akong hangin at hindi worth it na pansinin at pahalagahan.
Muli akong pumasok sa aming silid upang kunin ang backpack ko.
Bago pa man ako makalabas mula sa silid nang mahagip ng mga mata ko ang brown envelope sa table.
Never nag-iiwan ang asawa ko na brown envelope or mga gamit niya sa bahay. Not unless he forgot. Dahil curious ako ay nilapitan ko ito at tiningnan ang laman.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nabasa ko.
At sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
He bought a condo at nakapangalan kay Jillian Amero.
NAGMAMADALING lumabas ako mula sa loob ng bahay namin at nadatnan ko si Mang Ernesto. Nakasandal siya sa kotseng maghahatid sa akin sa University.
Nang makita niya ako ay magalang na binati niya ako at sumakay na ako sa kotse.
Imbis na sa school ako ihahatid ay binigay ko ang address ng condo na binili ni Lervin para kay Jillian.
Una, hindi sumang-ayon sa akin si Mang Ernesto pero nakiusapan ko kaagad.
Never akong nagsinungaling. Kaya iyon ang ginawa ko. Sinabi kong may project kami at isa sa mga kaklase ko ang nakatira sa condo unit na iyon. Mukha namang naniwala si Mang Enesto.
"Ka-grupo rin niyo si Ma'am Cashren, Ma'am Art?" tanong sa akin ni Mang Ernesto.
"Hindi po. Nakasali siya sa iba," tugon ko at ilang minuto lang ang nakalipas nang marating namin ang destinasyon namin.
"Puwede po ba akong humingi ng pabor, Mang Ernesto?" pakikiusap ko sa kanya at dahil since high school pa lamang ako ay siya na ang driver ko ay alam kong hindi siya tatanggi sa pabor ko.
"Ano po 'yon, Ma'am Art?" tanong niya naman. Matagal simula ng sabihin ko sa kanya na he can cut the 'ma'am' at Art na lang ang itawag niya sa akin pero 'ma'am' pa rin ang tawag niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Kung saan siya mas komportable ay iyon na lang.
"Puwede po bang huwag niyo nang sabihin kay Lervin ang address na 'to at pinuntahan ko?" Tumango lang siya at alam kong maaasahan ko siya sa bagay na iyon.
"Maraming salamat po, Mang Ernesto. Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho," nakangiting sabi ko.
"Sige po, Ma'am Art."
KANINA pa nag-iingay ang cellphone ko pero hindi ko ito binigyang pansin. Dahil abala ako sa paghahanap ng room number ng condo ni Jillian Amero. Nasa 7th floor ito at room 173.
Tumunog ulit ang cellphone ko and this time sinagot ko na para hindi na mangulit nang mangulit ang tumatawag sa akin. At alam kong si Shin ito.
"Nasaan ka na, Art?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Shin.
"Sorry Shin, may pinuntahan lang ako," sagot ko 'agad at huminto ako sa tapat ng pintuan. Nahanap ko rin ang sadya ko.
"Wala ka sa first subject natin at sa next ba ay wala rin?" tanong niya ulit.
"Baka maya-maya ay nandiyan na rin ako, Shin. Importante lang ang pupuntah byan ko."
"Gaano ba 'yan ka-importante? Nasaan ka, Art?" nag-aalalang tanong niya at kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam kong malalim na ang gatla sa kanyang noo. Madalas namang ganoon.
"Basta, kuwento ko sa 'yo mamaya, Shin. Sige ibababa ko na 'to." Hindi ko na pinasagot pa si Shin at tuluyan ko ng pinatay ang tawag. In-off ko pa ang cellphone ko para hindi na ito mag-iingay pa.
Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras para lamang ang hanapin ang condo na ito?
Simple lang, may hinala ako. May hinala ako na nandito na nga sa bansa si Jillian. Sa pagkakaalam ko ay nakatira na sila sa Switzerland at for good na iyon.
May kutob din ako na tama ang hinala ko at baka nga may tinatago rin sa akin ang asawa ko.
Sa nabasa ko sa paper ay binili ni Lervin ang condo na ito last week lang at bakit nga ba bibili si Lervin ng condo gayong alam kong may unit na siya?
Eh, malamang binili niya ito para kay Jillian at nandoon na ang proof. May pangalan at may signature din ang babae. Kaya malamang sa malamang ay nandito na rin siya.
Kanina pa ako nakatayo rito at hindi ko naman alam kung ano na ba ang susunod kong hakbang. Kakatok ba at ng malaman ko na totoo ang mga hinala ko?
Hindi ba ako masasaktan sa kung ano man ang malaman ko sa loob ng condo na ito?
Pero hindi ba't nasasaktan na ako sa malaman na binili ito ni Lervin para sa ibang babae?
Nagseselos ba ako o naiingit? Kasi alam kong kahit isang bagay o regalo ay wala akong natatanggap from him.
Aasa pa ba ako? Kahit nga wedding aniversary namin, Christmas at maski birthday ko ay never siyang nagbigay ng regalo sa akin.
At condo unit? Nagwaldas pa siya ng milyon para lang sa babaeng iyon? Well, ano nga ba ang maaasahan ko sa kanya?
Mahal niya si Jillian. Mahal niya ito kahit kasal na sa kaibigan niya.
Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok na ba ako. Ngunit sa huli mas pinili ko ang umalis na lang at umakto na lang na walang alam. Ngunit sino ba ang niloloko ko? Malamang sarili ko lang naman.
Pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko nang bumukas na ang pintuan at tumambad sa akin ang mukha ng asawa ko.
He's hard to read at kahit pagkagulat ay hindi ko man lang nakitaan. Tila inaasahan na niya ako pero maya-maya lang, ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng mabangis na ekspresyon.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa asawa ko. Sanay akong makita ang walang emosyon sa mga mata niya pero hindi ngayon.
"What the fvck are you doing here?" malamig na tanong niya at kahit ang boses niya ay parang hinukay pa sa libingan. Nakakatakot sa sobrang lamig nito.
Lalabas na sana siya pero napahinto siya nang may brasong yumakap sa baiwang niya mula sa kanyang likuran.
"What took you so long, babe?" malambing na tanong ng babae.
Boses pa lang iyon at alam ko kung sino ang babaeng yumakap sa kanya.
Walang iba kundi si Jillian Amero. Si Jillian na first love niya.
Tumabi na sa kanya si Jillian at nagulat pa ito nang makita niya ako pero ngumisi lang siya pagkatapos.
"So, the good wife is here. Good morning, Mrs. de Cervantes. Long time no see?"
Ayoko sa malawak na ngiti niya. Ayoko sa ngiting iyon. Dahil alam kong nang-iinsulto siya sa akin. Tila pinapamukha niya sa akin na nakuha niya si Lervin mula sa akin.
"Excuse me," iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na sila.
Masakit, mabigat sa dibdib. Kaya hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagbabadya na ring mahulog.
Tama nga ang hinala ko. Tama rin ang kutob ko. Tama ako na nandito na siya. Tama ang kutob ko na may relasyon sila. Alam ba 'to ng asawa ni Jillian? Alam ba niyang nandito ang asawa niya?
Alam ba niyang may relasyon ang asawa niya at ang kanyang kaibigan? Alam ba niya ito at hinayaan na lamang niya?
Maraming katanungan ang gumugulo sa utak ko at hindi ko makuha-kuha ang kasagutan. Sasabog ang utak ko.
Bumukas ang elevator at sumakay na ako. Bago pa man ito sumara ay may kamay na ang humarang dito. Muli itong bumukas at nakatayo na sa tapat ko si Lervin.
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Nakakatakot pa rin at nagbabanta.
"How I wish that you don't have a legs to walk. You can't walk, so, you can't follow me here," he said in a cold voice again.
Tila may mga karayom ang tumutusok sa puso ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ay naluluha na ako sa mga sinabi niya.
Hindi na bago sa akin ang mga masasakit na salita niya and I used to it. But I can't help myself, hurting.
"Don't worry, your secret is safe with me," matapang na sabi ko at umatras na siya para makalabas na sa elevator.
Unti-unting sumasara ang elevator at paunti-unti ring nawawala ang lakas ko.
Kahit pasara na ang elevator ay hindi namin binitawan ang titigan namin at hanggang sa tuluyan ng sumara ito.
Napaluhod na lang ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko at nag-uunahan ng bumagsak ang mga luha ko sa aking pisngi.
Ganito pala kasakit. kailanman ay hindi ako naging malungkot. Ang sabi nga ni Daddy-lo ay happy go lucky ako at energetic.
Kailanman ay hindi ako nasasaktan nang ganito. Pero ng dahil lang kay Lervin ay nararamdaman ko ito.
Chapter 5:Fallin' hard
PAGKABUKAS ng elevator ay itinayo ko na ang sarili ko. I wiped my tears away, pero sunud-sunod pa rin ang pagluha ko. Sunud-sunod pa rin ang pagbagsak nito.
Dapat sanay na ako. Sanay na sana ako sa mga ganito. The past two years ay sinusubukan kong kunin ang loob ng asawa ko but I failed.
At dahil bihira rin siya kung umuwi ay sumuko na lang ako dahil wala namang saysay ang mga pinaggagawa ko.
Naglakad na ako at tuluyan na akong nakalabas sa condominium.
Lutang ang isip ko at nakatulala. Marami ring mga tao ang nakatingin sa akin. Nagmamasid at tila nasa isip nila na nababaliw na ako.
May humintong kotse sa tapat ko at bumaba ang may ari no'n.
Napaluha na lang ako nang makilala kung sino ang lalaking lumapit sa akin.
"Lervin..."
Nagtatagis ang mga bagang niyang hinila ang braso ko. At dahil malakas iyon ay napasubsob pa ako sa dibdib niya at kinulong niya ako sa mga bisig niya.
"You shouldn't follow me, here."
"Lervin..." naiiyak na sambit ko sa pangalan niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.
"Why are you doing this?" mahinang bulong niya malapit sa tainga ko.
"Lervin..."
Bakit pangalan na lang niya ang nasasambit ko? Bakit hindi ko mabigkas ang ibang salita?
"Stop calling my name," aniya at hinila na ako upang makapasok sa passenger's seat. Siya na rin ang nagsuot ng seatbelt sa akin.
Mabilis na umikot din siya sa driver's seat at pinausad na ang sasakyan.
"I love you, Lervin..." Nasabi ko na lang iyon sa hindi ko malaman ang dahilan. Kung bakit iyon ang nasambit ko.
"Stop. You can't love me, Arthea," mariin na sambit niya.
Mahal ko na nga ba siya? Pagmamahal na ba ang nararamdaman ko ngayon sa kanya? Hindi ako sure pero ang alam ko lang ay bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing malapit siya at nakikita ko siya.
Pero hindi ba dapat wala akong pakialam sa kanya? Hindi ba dapat wala akong mararamdamang kakaiba sa kanya? Pero bakit nasasaktan din ako ng dahil sa kanya?
"Why?" nanghihinang tanong ko at nakatitig lang ako sa kanya.
Mahigpit ang pagkakapit niya sa manibela at nagtatagis pa rin ang bagang niya.
"You know in the first place, kung sino ang mahal ko." Heto na naman ang puso ko. Heto na naman ang pagkirot sa dibdib ko.
"Why can't you love me?" parang nakikiusap na tanong ko.
"Stop this nonsense, Arthea. Hindi ba dapat nag-aaral ka ngayon? Stop following me and just study! Huwag kang manghimasok sa buhay ng iba," malamig na sabi niya at nagbabadya na naman ang mga luha kong bumagsak.
"You're such a jerk..." mariin na sabi ko at narinig ko pa ang halakhak niya.
"Now you know. Then, don't do this again. Hindi mo alam kung paano ako magalit, Arthea. Hindi mo pa ako nakikilala ng lubos, kaya huwag na huwag mo ng pairalin ang tigas ng ulo mo at curiosity na 'yan," aniya at may pangungutya sa boses niya.
"Stop this car!" sigaw ko sa kanya at medyo nagulat pa siya.
Parang hindi ko natatagalan ang ugali niya. Ayokong makita ang ganitong side niya dahil mas lalo lang ako nasasaktan.
"Stay still, Arthea," kalmadong saad niya na may ngiting nakaukit