CHAPTER 2 (TRANSFER)

994 Words
SEAN MATTHEW POV" Gumising ako ng maaga dahil sa ngayon kami papasok sa bagong school. Ang hina talaga ng katawan ko, dati hindi ako ganito lalo na pag may pinapatay si boss sakin. Nakaka excite din pala pag new student ka sa school, ang astig kung tignan pero base sa sabi-sabi, madami nadaw yung namatay doon sa papasukan ko Totoo kaya yun?! Pero ayos na, sanay din naman ako sa p*****n. "Sean, hali kana at ma lalate na tayo sa new school, sasama kase ako sayo" walang ganang sabi ni kiel "Ano?!" Gulat na tanong ko "Yeah, kailangan mo daw ng makakasama kaya naman ay sasama ako, trabaho ko din to" Wala naakong nagawa kundi sumang ayon Naglakad na kami at nakarating nanga Sa labas palang kami ay ramdam kona ang bigat ng presensya ng school nato Para bang may nakatira dito na natutulog na dragon Agad na kaming lumapit sa malaking gate Sa labas ay may nakalagay na malaking 'DANGEROUS ACADEMY' sa itaas ng gate nila "Cool" excited na sabi ni kiel Mukhang delikado kami dito. May mission kaming kailangan na patayin, ang taong iyon. Kailangan naming mahanap kung sino ba si 'MOONIE' Mag iimbistiga muna kami hanggang sa malaman nanamin kung sino ba talaga si ang nagngangalang 'MOONIE' pumasok na kami sa gate at hinarangan kami ng guard doon "Sino kayo?" Tanong nito na may dalang malaking baril Amazing. "N-new students kami dito" Ng sabihin ni keil iyon ay nag si tinginan saamin yung mga students at nagbubulungan Anong meron? "Sigurado ba kayong dito kayo mag e enroll?" Paninigurado ng guard Totoo kaya yung sabi-sabi? "Yeah" tipid na sabi ko "Sige basta tandaan nyo ang rules dito, sa hindi kalayuan ay may nakalagay na malaking tarpaulin, doon nyo makikita ang rules dito" sabi ng guard Rules? Grabi naman to Agad na kaming naglakad ni keil, habang naglalakad ay patuloy parin kaming tinitingnan ng mga students May mali ba sa mukha ko? Gwapo ko naman! Nakarating nanga kami kung saan nakalagay ang malaking tarpaulin [RULES‼️] -YOU NEED TO FOLLOW THE LEADER -YOU NEED TO RESPECT YOUR TEACHERS -YOU NEED TO VOW IF YOU SAW OUR LEADER -YOU MUST RESPECT HER (the leader) (FOLLOW HER COMMANDS) *********************** her? Who is she? "Pre?" Tawag ni kiel "Hm?" "Her? It means girl? Principal ba tinutokoy nila? Sa rules?" Ako din naguguluhan Siguro, principal lang naman ay may kapangyarihan eh, kahit na sa dating school pa namin. "No" may biglang nagsalita Isang babae na may glasses at may dala itong libro Nerd? Napatingin kaming dalawa ni kiel sa babae "You need to follow her or else you die" Ng sabihin nya yun ay tumingin sya sa likuran "She's here" Katulad ng nasa rules ay yumuko nga sila at wala kaming nagawa kundi yumuko din Nag sitabi ang mga students at binigyan sya ng daan, may mga kasama din sya. Kulay itim at pula ang suot nila. Habang nakayuko ay inangat ko ang ulo ko S-she's s-so beautiful Ang kinis ng balat, ang puti pa. S-sobrang ganda nya, nakakaakit. "Who is she?" Mahinang tanong ko sa babae "She is the leader, her name is NATASHA BRITTNEY SANDOVAL half British, tinurin syang reyna dito simula nung dumating sya sa school nato, mas mabuti nato kesa dati, sobrang g**o dati ngayon ay tahimik na pero meron paring namamatay dahil sa utos nya" mahabang paliwanag nya She's like an angel but i'm wrong. Ganoon nga ba talaga sya nakakatakot? Hindi dapat ako matakot, i'm serial killer! May mission ako dito! Nakalagpas na saamin yung babae pero parang pamilyar sya sakin? Never mind. Agad na nagsibalik sa dati yung mga students, kakaibang paaralan. "May bulletin board doon, may nakasulat na isang mahalagang gawin nyo, natin! Pag nakaharap nyo sya, basahin nyo nalang pero isang bagay lang yun pero sobrang halaga kung ayaw mo pang mamatay, sundin nyo" agad na syang umalis Ang weird ng school nato. Agad na naming hinanap yung kanya kanya naming section namin pero sakto naman ay magkaklase lang kami. Ang ingay ingay ng room nato, sarap patayin! Napansin namin yung nag iisang babae na may binabasant libro Yung babae kanina! "Pre sya diba yung babae kanina?" Tumango tango lang ako Kaklase din namin sya. Umupo na kami sa bakanteng upuan at kitang kita ko ang mga mata nila na nakatingin saamin at nag bu-bulong bulongan 'baliw ba sila?' 'mukha nga' 'alam naman siguro nila kung anong klaseng school to diba?' 'baka hindi' 'hindi nga siguro' Mga naririnig ko Nakita ko din yung nakapaskil na hindi kalakihan na nakalagay doon malapit sa board (Once's you enroll here, never transfer! Hindi ka pwedeng mag transfer ng school dahil hindi ka nila tatanggapin, ito yung isa mga rules dito, kailangan mong makapagtapos ng college dito bago ka makaalis! Kung gusto nyong umalis magpapakamatay ka o dikaya ay wag kana mag aral habang buhay, hindi ka pwedeng mag transfer ng ibang school) Grabe yung nakasulat. Hindi ko alam to! Agad na nagsitakbuhan ang mga kaklase ko dahil narito na pala si ma'am. Tumingin sya saamin "Oh new student?" Tanong nya Hindi sya updated? "Yeah" bored na sabi ni kiel dahil wala syang nakakausap Ayaw nya kase ng wala syang makakausap. "Oh i remember mr. Delvion and mr. Drexano" sabi ng ma'am "Yes" "Sana ay hindi kayo magsisi but kung magsisis man kayo kung bakit kayo-" natigilan si ma'am ng biglang may sumigaw mula sa labas "Ahh!!!!" "S-si ma'am d-dane!" Sigaw ng isang lalaki Anong nangyayari? "Sh*t!" Mura ng teacher namin Agad na nagsilabasan yung mga kaklase namin kaya naman ay lumabas nadin kami May pinagkakaguluhan sila at nakita ko may- Patay! "What the~" sabi ni kiel Nagulat din sya May patay na katawan ang nakita namin, isang guro yun, halatang halata sa uniform "D-dane!" Sigaw ni ma'am at agad syang lumapit Naligo sa dugo yung teacher at halatang halata na pinahihirapan sya. Saklap! Mas masaklap pa yung mga ginawa dito sa babae kesa sa mga pinatay ko, diritso ako kung pumatay. Grabe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD