They almost made love last night. Hindi man sa tunay na kahulugan pero lumalabas pa rin na siya ang nagbigay ng motibo kay Simon kaya nangyari iyon. At kung hindi lang malakas ang self control nito sa sarili malamang nga may nangyari na talaga sa kanila. Was it self control? O talaga lang mahal na mahal nito ang fiancée nito kaya hindi nito nagawang pumatol sa kanya sa kabila ng matinding pagnanasang naramdaman nito. Did he remember his fiancée that's why he suddenly stop in the midst of their lovemaking? Marahil ganoon nga. And it really hurts her to the core. Halos hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Ang muntikan ng may nangyari sa kanila ni Simon at ang masakit nitong pagtanggi ang gumulo sa isip niya sa buong magdamag. She was badly hurt and yet, she still want to see him first

