CHAPTER 7

1866 Words
Seven Zattana Elsher It's been a week since we got home from Baguio. Medyo naninibago ako dahil mas lalo kaming naging malapit ni Harold sa isa't isa. We would often eat lunch together, go to the bookstore, and prepare for the exam. But one thing I didn't prepare for was seeing him slowly take my spot. I glanced at the door when our professor entered the room. Nanahimik na ang lahat at kanya-kanyang balik sa mga upuan. Napatingin ako kay Harold nang maramdaman kong may humawak sa buhok ko. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa harapan para makinig sa sasabihin ng prof namin. "Okay, class. Since we'll have our meeting, I'll just leave an activity for you. You could continue this at home or in the library. Basta kailangan nasa akin na ang soft copy by 5 p.m.." Kaagad na naghiyawan ang mga kaklase ko sa saya. Tahimik naman ako natuwa dahil alas-dos pa lang at masyado pang mahaba ang araw. "Before I give you the activity, the result of your examination is already out. Congratulations, Mister Hedler. You got the highest score," malaki ang ngiting sabi ng prof namin. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko, kasabay ng malakas na pintig ng dibdib ko. My classmate cheered for him, but I didn't feel any happiness. Para akong nahihirapang huminga habang pinapakinggan ko ang pagbati sa kanya ng mga classmate natin. "Ma'am, ano pong score niya?" "Score reveal, naman!" "Hindi si Seven ang highest ngayon, 'no? Sayang. Akala ko pa naman siya na ang pinakamatalino sa room! Grabe ka na, Harold!" sigaw ng isa naming classmate. Napakapit ako ng mahigpit sa palda ko at nagbaba ng tingin. Kagat ko ang labi at pakiramdam ko ay dudugo na 'yon ano mang oras. "Calm down, class. Mister Hedler also got a perfect score. Si Miss Elsher naman ay mayroong tatlong mali sa papel niya, pero mataas din ang nakuha niya. Anyway, back to our activity..." Hindi ko na nagawang mag-focus sa sinabi niya dahil nawalan na ako ng gana. Bakit ba kasi mas pinili kong mag-bar kaysa mag-aral bago bago ang exam namin? Akala ko sapat na 'yung inaral ko ito ng isang linggo. Hindi pa pala. Harold already took my spot, and I don't know what to feel about it. He wasn't purposely doing that to me, right? He wouldn't do that. Napasabunot ako sa buhok sa inis. Nauna akong lumabas ng room nang ma-dismiss kami. Plano kong dumiretso sa bahay para roon na lang gawin ang activity. It was a research-based activity, and I would make sure that I would get a perfect score. Hindi pwedeng si Harold ulit. Masyado na akong naging pabaya nitong mga nakaraang araw. Hindi pa ako nakakapunta sa sakayan nang may humarang na kotse sa harapan ko. Harold exited his car and went to my side. Tinaasan ko lang siya ng kilay at magkakrus ang braso na hinarap siya. "Are you going home now?" "If so. Anong pakialam mo?" walang emosyong sagot ko. Mabilis na nangunot ang noo niya. Tila nagtataka kung bakit galit na naman ako. "Why are you mad?" Napairap ako sa inis at nilagpasan siya. Napahinto lang ako nang maramdaman ko ang braso niya sa kamay ko. I looked up at him and saw that his eyes were slowly turning red. Mukhang galit na rin siya. "Let's talk. Pag-usapan natin kung bakit galit ka na naman," pilit niyang pinahinahon ang boses. "Ayoko. Bitiwan mo nga ako!" Pinilit kong magpumiglas, pero hinatak niya lang ako papunta sa shotgun seat. He opened the door for me and pushed me inside. Padabog din niyang sinarado ang pinto, kaya halos mapatalon ako. Umikot siya para makapasok sa driver's seat. Tumingin na lang ako sa labas at nagkunwareng walang pakialam sa kanya dahil ayaw ko rin siyang kausap. "Where do you want us to go? Gusto mo bang sa condo ko? I could cook for you." Nakakagulat dahil gano'n kabilis lumambot ang boses niya sa akin, samantalang kanina ay galit siya. Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang. I pretended to be sleeping, but I really fell asleep during the ride. Nagising ako nang may naramdaman akong gumalaw sa gilid ko. I slowly opened my eyes and noticed that I wasn't in my room. Mabilis akong napaupo sa gulat ngunit kaagad nakahinga ng maluwag nang makitang nasa kwarto ako ni Harold. Napatingin ako sa tabi ko nang muling gumalaw si Harold. He was sleeping too, and his arms were draped around my waist. Ang himbing ng tulog niyo at bahagyang nakabuka pa ang bibig. I looked at his lips and smiled, but when I remembered what happened earlier, my smile quickly faded. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa baywang ko at dumiretso sa banyo para maghilamos. Nakakunot pa ang noo ko dahil pakiramdam ko ay may nakalimutan akong importanteng bagay. I looked at myself in the mirror, and my eyes widened when I realized that I had an activity to be submitted at 5 p.m. Nagmamadali akong lumabas ng banyo at hinanap ang mga gamit ko. Halos maiyak ako nang makitang alas-sais na at hindi manlang nag-abala si Harold na gisingin ako para makagawa ako ng activity. Gusto ko siyang sugurin, pero ayaw kong sayangin ang oras ko. Pwede pa namang humabol, 'di ba? Isang oras pa lang ang nakakalipas... basta makapasa ako. Hindi magiging okay sa 'kin kung magkakaroon ng minus, but at least, may gawa ako! Kinuha ko ang laptop ko sa bag at nagsimulang gawin 'yon. Sanay naman na akong gumawa ng research-based activity, kaya kampante akong matatapos ko iyon ng 20 minutes lang. Napahawak ako sa batok ko habang pinapasadahan ng basa ang gawa ko. Halos hindi na ako kumurap para ma-double check lang ang gawa ko. I clicked my laptop and went to our GC. May s-in-end ang prof namin ng link kung saan i-a-upload ang gawa namin. I silently prayed while waiting for the link to be opened, but my hope vanished when the link was already unaccessible. Napatitig na lang ako sa screen at parang tangang tumawa habang naluluha. I fisted my palm and bit my lower lip to stop myself from crying. Galit na galit ako at hindi ko alam kung paano pipigilan ang sarili ko na hindi ilabas 'yon. I wasn't expecting Harold to exit his room wearing nothing on his top. Mayroon ding twalya sa balikat niya at halatang kakatapos lang mag-shower. Mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kanya. I stopped in front of him. He was about to say something, but I immediately cut him off by slapping his cheek. "Ang kapal ng mukha mo... ang kapal-kapal ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya at akmang sasampalin ulit ang pisngi niya ngunit nakuha niya kaagad ang braso ko. He was gripping my arms too tight. Napapiksi ako nang bitiwan niya 'yon at nakitang nagkaroon kaagad ng marka. "What the hell is wrong with you, Zattana?" pigil ang galit na tanong niya. "I was restraining myself to be mad at you because I couldn't understand you. Minsan, okay ka naman. Minsan, bigla-bigla ka na lang nagagalit. What the f**k is wrong to you? Ano na naman ba ang ginawa ko?" I scoffed. "Anong ginawa mo? Bakit hindi mo tanungin sa sarili mo kung ano nga ba ang lahat ng ginagawa mo! You were trying to replace my spot, right? You're trying to destroy me by pretending to be good at me! Alam ko na ang plano mo, kaya h'wag ka nang magsinungaling!" sunod-sunod na sigaw ko sa kanya. Dumadaloy ang luha sa mga mata ko habang sinisigawan siya. "Zattana, what are you saying?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. I smacked his chest and pointed at him with my finger. "Putangina mo! Putangina mo para paglaruan ako! Putangina mo para gawin sa 'kin 'to! You purposely didn't wake me up para hindi ako makapag-submit ng activity, right? Hinayaan mo akong makatulog dahil ayaw mong malamangan kita! Hindi pa ba sapat na highest ka sa exam? Ang galing mo! Pinapamukha mo talaga sa 'kin na mas matalino ka sa 'kin at bobo ako!" "What the hell, Zattana?" hindi makapaniwalang bulong niya. Hinatak niya ang braso ko para dalhin ako sa kwarto, pero iniwas ko kaagad 'yon. I glared at him and wiped my tears. "I wasn't able to submit my activity. You know that once I missed at least one activity, I could lose everything I worked hard for!" "And you think that I could do that to you?!" "Yes!" I shouted at him too. Umawang ang labi ni Harold. Nag-iwas siya ng tingin at napakagat sa labi. He was trying to control his anger too. Pulang-pula na rin ang mukha niya at mukhang kaunti na lang ay masasaktan na niya ako. Nanginig ang tuhod ko nang tignan niya ako. His eyes were red too. I stepped back when he took a step forward. Ilang beses niyang ginawa, 'yon hanggang sa mapasandal ako sa pader at wala nang matakasan. "I didn't wake you up because I knew you were tired from hanging out with your friends last night," he said in his most gentle voice, but I didn't budge. Hindi na ako magpapauto sa kanya! Hinding-hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabahin niya magmula ngayon. He's a traitor. He's my greatest competitor, and I shouldn't trust him. "But that doesn't mean I'll let you miss the activity. I made two activities for us. I also made sure that they were different so our professor won't recognize that it was me who created that," he tried to explain, but I just shook my head. Lies. Lies. Lahat ng lumalabas sa bibig niya, pakiramdam ko puro kasinungalingan. Tinulak ko siya paalis sa harap ko. Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko. Ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin ng ngunit pinilit kong hindi 'yon pansinin. "I hope this will be the last time we act close to each other," I said while placing my laptop inside my bag. "Let's act as strangers again. Tutal gano'n naman talaga tayo umpisa pa lang." I held my bag and stood up. Harold was standing beside the couch while staring at me. His intense eyes made my knees hurt for some reason. "If that's what you want," he replied, almost inaudible. Tinanguan ko siya at naglakad papunta sa pinto. I was about to leave the room when he called me. "Zattana." "What?" I asked, brows furrowed. He smiled, but it didn't reach his eyes. "Take care," he simply replied and turned his back against me, refusing to see me leave. Kinabukasan, maaga akong pumasok para matanong kay ma'am kung maari pa akong magpasa ng activity kahit late. "Miss Elsher? I thought I saw your name in the list of students who submitted their activities," sabi niya at kunot ang noong tumingin sa laptop niya. Nagsalubong din ang kilay ko lalo na nang ipakita niya sa akin ang listahan. Umawang ang labi ko kasabay ng malakas na kabog sa dibdib. I remembered Harold's words last night. Did he really mean that? Napailing ako at pilit na inalis sa isip ang namumuong ideya sa akin. No. He's still a traitor. I couldn't trust someone like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD