Seven Zattana Elsher
It's been three days, and Harold hasn't left my mind. Good thing na hindi siya pumasok ng tatlong araw dahil kung hindi, hindi ko rin alam ang mukhang ihaharap sa kanya.
Muntik nang may mangyari sa aming dalawa sa library, I let him pleasure me. Kung hindi lang nakapagpigil ang lalaki ay alam kong baka hinayaan ko na siyang angkinin ako roon.
Napasabunot ako sa buhok at inginudgod ang mukha sa lamesa. Alas-onse na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. I was doing my homework, and yet I couldn't finish it. Kung normal na araw, nasa bar ako ngayon at nagpapakasaya ngunit kailangan kong mag-aral at tapusin lahat ng gawain sa school. I can't just let anyone grab my throne as a top student.
Alam kong hindi ko na magagawang mag-focus pa ulit sa pag-aaral, kaya napagdesisyunan ko na lang na lumabas. Patay na ang lahat ng ilaw sa sala at mahimbing na natutulog si Lolo sa taas. Dahan-dahan akong pumuslit palabas nang hindi siya nagigising.
Sinalubong ako ng malamig na hangin nang sandaling makalabas ako ng gate. Tahimik ang kalsada at madilim, tanging ang mga bituin sa kalangitan ang nagsisilbing ilaw at ang bilog na bilog na buwan.
I don't like nights. I never liked it. Mas gusto ko pa ang tanawin ng asul na kalangitan tuwing umaga. Maybe because it reminded me of the days I had to face darkness on my own? And the day I realised that I was all alone.
Lost in my thoughts, I didn't realise that I had already arrived at the nearby store. 24/7 convenience store 'yon ngunit walang tao sa loob bukod sa cashier. Pumasok ako at kumuha ng makakain bago binayaran at umupo sa labas ng store.
Pinatong ko sa ibabaw ng lamesa ang mga chichirya at nagsimulang kainin 'yon. Tahimik lang ako habang nagpapalipas ng oras nang may taong umupo sa harapan ko.
"Alone?" His soft voice lingered in my ears. Umawang ang labi ko nang tanggalin ng lalaki ang kanyang itim na mask at makita ko ang mukha ni Harold.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko, halos mapatalon sa kinauupuan. Pansin kong nakasuot ng itim na jacket si Harold at mayroong itim na cap. Ngumiti siya at nilagay sa lamesa ang dalawang cup ng ice cream na sa tingin ko ay binili niya sa loob ng store.
"Comforting you? Mukha kang malungkot, miss mo na ba ako?" nakangising tanong niya habang binubuksan ang takip ng ice cream. Nakagat ko ang labi nang iusog niya ang ice cream palapit sa akin at ipatong sa kamay ko ang scoop. Hindi ako mahilig sa matamis ngunit wala akong nagawa kundi kainin 'yon.
"Asa ka," sagot ko matapos ang ilang minutong pananahimik. Natigilan si Harold at hindi tuluyang naisubo ang ice cream sa bibig niya. Mukhang ine-enjoy niya ang pagkatanga ko ngayong gabi.
Tumango ang lalaki at tinabingi ang ulo habang tinititigan ako. "Talaga? Hindi mo man lang ba ako na-miss? Sayang, akala ko pa naman gusto mo akong makita araw-araw," puno ng kayabangan na saad niya.
Napairap ako. "Gabi na, masyadong malamig para maging mahangin ka," inis na asik ko sa kanya at padabog na kinuha ang chips.
He laughed. "Sungit."
Himalang nanahimik na siya pagtapos n'on. Naubos ko na ang ice cream at pinapak na lang ang natitirang chips na binili ko. Nakaramdam ako bigla ng uhaw, pero bago pa ako makatayo, pinatong na ni Harold ang bote ng tubig sa lamesa at naglikha 'yon ng ingay sa pagitan naming dalawa.
"Drink," he muttered. Tumango na lang ako at iniwasan ang tingin niya. It was awkward; mabuti na lang at may dala akong yosi, kaya sinindihan ko na lang 'yon.
"You smoke?" tila ba gulat na tanong ni Harold.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit? May problema ka sa babaeng naninigarilyo?" tanong ko.
Umiling si Harold at sumandal sa upuan. "Why smoke when you could use my lips to busy your mouth?" he joked, and I bit my lower lip to suppress my smile.
"Gago," pigil ang ngiting saad ko at muling nilagay sa pagitan ng labi ang sigarilyo.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Harold. "Bakit ilang araw kang hindi pumasok?" Sa wakas ay nakahanap din ako ng tamang topic para hindi maging awkward ang sandali namin. Hindi naman siya mukhang naiilang, parang ako lang talaga.
Nakita ko ang pagngiwi niya na tila ba may naalala. "I had to attend some meetings and fix some things; nagkaproblema lang sa company," tila balewala lang na sagot niya.
Napatango ako kahit na nakaramdam ng sobrang pagkamangha. Even though he is still a college student, I wouldn't be surprised if he became the successful CEO of his company in the future.
"Why? Did you miss me?" nang-aasar na tanong niya. Napairap ako at inupos ang sigarilyo bago tinapon sa maliit na trash can. Sumandal ako sa upuan at tinitigan si Harold. Every time I would meet his eyes, I remembered how much he pleasured me that day. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip ko ang ginawa niyang pagpapaligaya sa akin noon.
"Asa," I answered sarcastically. Natawa siya at saka pareho kaming natahimik. Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang umuwi. I stood up, and his gaze followed me.
"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita."
"No, thanks. I can handle myself," sagot ko at tinakuran na siya. Hindi niya puwedeng malaman kung saan ako nakatira, 'no! Baka bigla na lang siyang sumulpot at atakihin si Lolo sa puso. Hindi pa naman sanay 'yon na nakikita akong may kasamang lalaki. Well, basically, hindi niya alam lahat ng katarantaduhan ko lalo na kapag nasa bar ako.
"Get inside, my sweet Zattana. Gabi na, it's dangerous for you to walk alone." Halos mapatalon ako nang may itim na kotseng tumigil sa tabi ko. Nilagay ni Harold ang kanyang braso sa bintana ng kotse at tinaasan ako ng kilay. Hindi na ako nagpapilit pa at sumakay sa passenger's seat. Nagsuot ako ng seatbelt at magkakrus ang braso na tinignan siya.
"Tara, sa place mo na lang. Hindi puwede sa bahay, baka magising si Lolo," mabilis na saad ko. Tumaas lalo ang kilay ni Harold at nagtataka ang tingin ang pinukol sa akin.
I laughed. "What? If you want us to have s*x, bilisan mo na! May pasok pa ako bukas, ayaw kong ma-late," I said between my laughs. Natahimik si Harold ngunit pinaandar niya na ang kotse niya. Hindi na rin ako nagsalita at napalunok habang pinapanood ang madilim na kalsada.
"I wasn't talking about that," he suddenly whispered. Kahit na gusto kong makita ang mukha niya, pinigilan ko ang sarili na lingunin siya.
"Talking about?"
He sighed. "s*x," madiing saad niya na tila ba nagtitimpi. Nakagat ko ang labi at tinaasan siya ng kilay.
"Talaga? You don't have to be a gentleman; I mean, gusto ko rin naman makipag-s*x, kaya hindi mo na kailangan pang magpanggap."
Nagulat ako nang biglang pumreno si Harold. Mabuti na lang ay naka-seatbelt ako dahil kung hindi, baka sumubsob na ako sa kotse!
Sinamaan ko ng tingin si Harold kahit kahit na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Seriously? Is that what you think of me?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Harold at binigyan ako ng mas masamang tingin.
I licked my lower lip before I nodded. Bakit pa ako magsisinungaling, e, totoo namang lahat silang lalaki ay s*x lang ang habol?
"Give me your address, ihahatid na kita sa bahay niyo," tila dismayadong sabi ni Harold at muling pinaandar ang sasakyan. Napabuntong hininga ako at nagi-guilty na tumingin sa labas. Masisisi niya ba ako kung gano'n ang tingin ko sa kanya?
Tahimik na tinuro ko sa kanya ang daan sa bahay. Nang makarating sa tapat, halos hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Pinagbuksan pa kasi niya ako ng pinto! Parang tanga! Mukha ba akong walang kamay?
I stood two feet away from him. Malakas ang hangin ngunit tahimik ang buong kalsada dahil tulog na ang mga tao. Mabuti na lang at mayroong ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bahay kung wala ay baka may nakagawa na ako ng pinagbabawal dito!
"Uhm, pasok na ko? Thank you sa paghatid," nauutal na saad ko. Harold wasn't angry at all. Seryoso lang ang mga mata niya habang nakatingin sa second floor ng bahay namin.
"Huy, bye na nga. Galit ka pa rin ba?"
Magkasalubong ang kilay na hinarap niya ako. "I am not," tila batang pagmamaktol niya. Pinigilan kong matawa dahil baka mas lalo siyang magalit sa akin.
"Sorry na, okay? Binabawi ko na lahat ng sinabi ko. Hindi ka pala gano'ng tao." Kahit madilim, nakita ko ang pag-alpas ng maliit na ngiti sa labi niya. Sinubukan niyang ikunot ang kanyang noo nang makitang napangiti rin ako.
"Arte nito," nakairap na saad ko at bahagyang tinulak siya. Doon umalpas ang mahina niyang tawa. Sabi ko na nga ba, e! Pinagti-tripan lang ako ng gagong 'to!
Kumislap ang mata ni Harold nang muling magtagpo ang mata namin. Hindi ako sanay natahimik siya. Kahit na ilang beses pa lang kaming nagkitang dalawa, alam kong madaldal siya at makulit.
"Sige na. Papasok na ako sa loob. Salamat sa paghatid, ah?" sinserong saad ko.
Bakas ang pagod sa mga mata ni Harold, ngunit pinilit niya pa rin na ngumiti. Gusto kong ungkatin ang dahilan kung bakit ilang araw siyang wala, ngunit wala ako sa lugar para alamin pa 'yon.
"Yeah, I guess. Just see you tomorrow?" he asked. Nakagat ko ang labi at bahagyang nag-iwas ng tingin.
"Sure ka ba talagang ayaw mong mag-s*x tayo?" pigil ang tawang tanong ko. Napasimangot si Harold at mas lalong lumakas ang tawa ko nang itulak niya ako papasok sa gate.
"Get inside, kulang ka lang sa tulog," pigil ang inis na saad niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Final na? Wala kahit kiss?" I froze when he suddenly leant and kissed my lips. Napakapit ako sa suot niyang hood at nilukot 'yon sa kamao ko. Tumagal lang 'yon ng ilang segundo ngunt hindi ko magawang makabawi kaagad. Tila ba wala lang para kay Harold ang halik na 'yon kahit na halos magwala na ang lahat ng lamang-loob ko sa katawan.
"Pasok na. H'wag nang matigas pa ang ulo, baka magbago pa ang isip ko." Wala akong nagawa nang si Harold mismo ang magpasok sa akin sa gate. Tila isa akong tuta nang akmang isasara niya na ang gate. He looked at me with a hint of naughtiness in his eyes.
"Sure ka bang ayaw mo?" nagpapaawang saad ko at napakagat pa sa labi. Natawa ng malakas si Harold at hinatak ang braso ko palapit. Nagulat pa ako nang isandal niya ako sa pader at sakupin ang labi ko.
My moan muffled when he started French kissing me. I held on to his arm for support and started responding to his kisses with equal hunger. Harold placed his hand at the back of my head and pulled me towards him to deepen the kiss. My right hand was already inside his T-shirt, feeling his rocked muscle and massaging it.
"Let's go to your car, please," I begged when his hand started massaging my mounds and his lips found their way onto my neck.
His soft chukles rang in my ears. "Calm yourself, woman. We still have our class tomorrow," hinihingal na saad ni Harold at humiwalay sa akin. Napalitan ng lamig ang init ng katawan niyang kanina lang ay nakalapat sa akin.
"I hate you," madiing saad ko at tinulak siya para tuluyang maisara ang gate. Masama ang loob kong pumasok sa bahay at wala ng pakialm kung makita ako ni Lolo. Pumasok kaagad ako sa banyo at nilublob ang sarili sa bathtub. Hindi maalis ang daliri ko sa labi ko dahil hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang pakiramdam ng labi niya sa akin.
Naiinis na napasabunot ako sa buhok at masama ang tingin ang ginawad sa sariling repleksyon ko sa salamin ng banyo. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko sa tuwing nasa paligid ko si Harold.
He's like a temptation I couldn't resist. A fire that I should not have played with in the first place. Harold is dangerous, and I must distance myself from him to save myself.
But how?