3- "Stare."

990 Words
(Dominic) HINDI maiwasan ng puso kong makitang may taong bagama’y hindi ko kilala pero nakikinita ko sa mukha niyang masaya siyang nagkamalay na ako. It only means she cares… “Sandali at tatawagin ko yung doctor para ipaalam na nagising ka na,” she immediately hurried to the door when I mandated my hand gesture to sign her na huwag na muna. “No need, Miss,” marahan kong sinabi. “But you need to be checked,” naguguluhan niyang sinabi. I shook my head gently and smiled at her, reassuring her I’m totally fine. “Maayos na ako, I can assure you that. Just stay here with me.” Natigilan siyang bigla sa sinabi ko at napapatitig na lang ako sa kanya. Now that she stands in front of me, mas lalo ko pang nadagdagan ang mga tamang deskripsyon sa kanya. She’s tall but not as tall as I am and she’s naturally thin. Petite and fair. Tinangka kong bumangon para sana maupo na lang pero nakunot na lang ang noo ko dahil masakit pa rin ang katawan ko. Potek naman ‘to oh! “Oh hinay-hinay lang!” aniya saka kaagad na dinaluhan ako. Naupo siya sa gilid ng kama ko para maalalayan ako at tulungan ako sa pag-upo ko. She placed one of the pillows on the bed’s headrest, at marahang hinawakan ako sa magkabilang braso ko para mapaupo ako ng tuluyan. “Hindi ka pa masyadong magaling kaya kailangan mong maghinay-hinay muna,” malamyos na aniya habang chini-check ng maigi kung maayos ba itong puwesto ko at ang pagkakasandal ng likod ko sa unan. Muli kong namalayan ang sarili kong nakatitig sa kanyang mukha. Ang inosente ng dating ng itsura niya, nagka-boyfriend na kaya ito? Ilang taon na kaya siya? Nasubukan man lang ba nitong mahawakan na? Para kasing ang bait-bait niya at parang walang kamuwang-muwang sa kung gaano kadilim ang mundo. Straight na straight ang itim na itim niyang buhok na hanggang kili-kili lamang ang haba tapos may iilang hibla na nakalugay sa kaliwang bahagi ng pisngi niya, isa rin sa mga bagay na mas lalong nagpapaamo sa aura ng mukha niya. Ang mga mata niya ay may pagkasingkit pero hindi naman chinitang-chinita masyado, tama lang para masabing pure blooded pinoy at Asyana siya. Ang perpektong mga labi niya, nahalikan na kaya ‘yang mga ‘yan? Ano kayang pakiramdam kapag naidampi ko man lang kahit sandali ang labi ko sa mga labi niyang ‘yan? “Sabi ng doctor, kapag naka-recover ka na’t nakapagpahinga ng maayos tapos nabalik ang lakas mo ay pupuwede ka na raw mag-discharge. You need to thank heavens for saving your life kahit pa sa lakas ng impact ng tinamo mong pagkakabangga. Good thing there’s no any indication of a hemorrhage nor internal bleeding, talagang mga sugat at galos lang mula sa mga nabasag na salamin ng sasakyan mo. ‘Yang mga buto mo’y maayos din daw at walang anumang nabali. Guessed, angels from the heaven protected you and gave you another chance in life, kaya naman magpagaling ka and next time, mag-ingat-ingat ka na sa pagmamaneho…” “And you are one of those angels…” This suddenly came out of my lip while staring at her pretty innocent face. Natigilan na naman siya sa sinabi ko kaya mas nagkatitigan kaming lalo. Ilang sandali ring naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa basta nakatitig lang kami sa mga mukha ng bawat isa. “Ikaw nga pala, sayo yung kotseng muntik ko na ring madamay kanina ‘diba? Ayos ka lang ba?” “Oo, ako nga ‘yon. Maayos ako at walang anumang galos akong natamo,” she assured. I silently sighed in relief. Buti naman kung ganoon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may ibang tao pang nadamay o napahamak dahil sa pagiging likas kong kaskasero lalo na kung isang katulad niyang mukha palang ay hindi na deserve ang masaktan o maranasan ang kalupitan ng mundong ‘to! “Maayos ako kaya huwag mo na akong intindihan, ang alalahanin mo ay ‘yang sarili mo at dapat ay magpagaling ka nang talaga.” “You saved my life and you also helped me even until here, tatanawin kong malaking utang na loob itong pangalawang buhay kong ito sayo… Sabihin mo, paano ako makakabayad sa kabutihan mong ito sa akin?” Agaran ang kanyang pag-iling. “Hindi mo kailangang tumanaw ng utang na loob sa akin at lalong hindi mo kailangang intindihing makaganti sa pagtulong ko sayo…” “But, Miss I insist-“ I was cut off to my supposed insistent nang mag-check siya ng oras sa kanyang wristwatch at nagmamadaling tumayo na para umalis. “Pasensya ka na, but I really have to go now. It’s 4PM at may importante pa akong pupuntahan. I suggest you call your family now to report what had happened to you para naman malaman nila at mapuntahan ka nila kaagad rito. Hindi ko naman kasi alam kanina kung sino ang tatawagan ko since ayoko ring makialam sa gamit mo even with your phone without your permission. Now that you are already awake and conscious, tawagan mo na sila. I really have to go now. Pagaling ka ha.” “Teka, Miss-“ Hindi ko na siya napigilan nang tuluyan na siyang nagmamadali sa paglabas dito sa kuwarto ko. Now, I am left all alone again inside this room! Napailing na lang ako sa sinabi niyang tawagan ko pamilya ko para ipaalam kung anong nangyari sa akin. As if they’ll care! Ilang sandali akong nakatulala lang sa kawalan nang bigla kong maalalang hindi ko man lang pala nakilala o kahit nakuha man lang ang pangalan ng good Samaritan na babaeng ‘yon! Kahit masakit pa’t kahit parang hindi pa kaya, pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon at tumayo saka lumabas ng kuwarto para habulin ang babaeng ‘yon. ‘Ni hindi ko man lang natatanong pa ang pangalan niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD