Nag usap kami ng masinsinan ni Mrs.Winters ipinaalam niya sa akin na sa susunod na linggo babalik na siya sa ibang bansa at balak niya na palang ibenta ang Jewelry shop. "huwag kang mag alala Lily pinakiusapan ko na ang bagong may ari na kung sana huwag kayong tanggalin lalo na ikaw dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan ko" malungkot na pahayag ni Mrs.Winters "Pero ano po ang dahilan sa biglaan niyong desisyon Mrs.Winters?nagtaka ako dahil sa biglaan ito. "Ang nangyari ba sa inyo ni Ma'm Amanda ang dahilan po Mrs.Winters?" ngunit ngumiti lamang siya at tinapik ako sa balikat. "No Lily,matagal ko ng desisyon ito nahihirapan kasi ako dahil nasa Mindanao lahat ang pamilya ko,kaya naisipan ko na lang na ibenta at babalik na sa ibang bansa para matulungan ang asawa ko sa iba naming negosyo doon

