Pagkagising ko wala na si kuya sa tabi ko hindi ko namalayan kung anong oras siya umalis nagtaka pa ako nakabihis na kasi ako at yung makapal na jaket talaga ang sinuot niya sa akin,kaya pala pagkagising ko basa ang aking likod ng pawis. Nahirapan pa akong tumayo sa tindi na naman ng hapdi sa may gitnang bahagi,kailangan ko na namang uminom ng gamot at baka magtaka pa si Mrs.Winters kung bakit paika-ika ang aking lakad. Bumangon ako at dumiretso na sa kusina pero may nakahanda ng ulam at kanin,pagtingin ko sarsadong isda at may lemon juice pa. Pagbukas ko ng refrigerator puno ng isda,sea foods,karne at manok ang aking freezer,pati din iba't ibang klaseng gulay kumpleto lahat,kung ganun namalengke pala si kuya kagabi kaya dumiretso dito. Tiningnan ko ang aking pantry kung anong laman ma

