Umalis agad ako sa lugar hilam ang luha dumiretso muna ako sa parke at doon ko inilabas ang aking sama ng loob sa aking nakatatandang kapatid bago ko napagpasyahang umuwi sa amin hindi ko na maintindihan si kuya kung bakit siya nagkaganon lumaki mn kaming walang ama pero pinunan ito lahat ni nanay at mama.
Nadatnan ko sina mama via na naghahanda sa salo salo namin para sa kaarawan niya alam kong hinintay talaga ni mama via na uuwi siya hindi ko na lang sinabi sa kanila ang mga nasaksihan ko sa hideout nila kuya at baka masira pa ang mood ni nanay at mama.Pinagluto pa naman ni Mama si kuya ng mga paborito niyang putahe ganun din si Nanay jahit ganun si kuya ramdam ko talaga ang pagmamahal nila para rito
Maya-maya dumating si kuya walang emosyon bitbit ang bag niya pinark niya lang ang motor sa gilid niya, niyakap siya nina mama at nanay at binati sa kaarawan niya, at nagsimula na kami sa kainan,may mga inimbita ding kaibigan sila nanay na taga palengke ang iba mga kapitbahay din namin na close lng sa amin.
tahimik lang ako na nakaupo sa lamesa habang kumakain ganon din si kuya minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero hindi ko talaga siya pinansin.
Pagkatapos kung kumain pumasok agad ako sa aking silid at ni lock ang pinto,ni hindi ko siya binati sa kaarawan niya ewan ko din sa sarili ko kung bakit nasasaktan ako tuwing naalala ko ang nasaksihan ko kanina sa kanila ni Coney,maya -maya naramdaman ko na may gustong bumukas sa pinto alam kong si kuya yun,sinigurado ko talaga na naka lock eto gusto ko ng panindigan sa sarili ko na hinding hindi na mauulit ang mga ka imoralang ginawa namin ni kuya noon.Ilang oras pa bago ako lumabas nag vi videoke pa sila nanay at mama sa sala kasama ng mga kaibigan nila,kumuha lang ako ng spagetti sa refrigerator,nakita ko pa sila kuya nasa labas kasama ang mga tropa niya sila Jorge,patago pang naninigarilyo si kuya.Takot din kasi siya na mahuli ni Mama na naninigarilyo siya at umiinom.Nakita pa niya ako sa kusina kumain ng Spagetti,at pumasok agad siya,alam kong nagpapansin siya sa akin dahil sinipa sipa pa talaga niya ang mga upuan.
akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko pero bigla niya akong niyakap.
"ano ba kuya bitawan mo ako" galit kong sabi
"bakit ayaw mo ba akong batiin sa kaarawan ko ha Lily!" at bigla niya na lang akong hinalikan sa labi
"kuya ano ba baka makita tayo nina mama!" asik ko sa kanya.
"pwes kong ayaw mong makita nila tayo pahalikan mo ako!"
pero sa galit ko itinulak ko siya at patakbo akong pumasok sa silid ko at ni lock ulit ang pinto
Lumipas ang mga buwan bumalik na sa pag aaral si kuya balik normal na rin ang sitwasyon namin sa bahay pero dumidiretso na ako palagi sa pwesto nina nanay sa palengke at tumutulong sa pagtitinda ayoko ng umuwi sa bahay na tanging kami lang dalawa ni kuya ang naroon
Hindi ko na namalayan na malapit na din pala ang kaarawan ko isang gabi habang naghahapunan kaming apat tinanong ako ni nanay Ara tungkol sa kaarawan ko.
"Nak mg de debut ka na ano gusto mo ba mg pa party tayo ha?imbitahan mo lahat ng mga kaklase mo nak" ngiti ni nanay sa akin.
Hindi ako kumibo pero biglang sumabad sa usapan si kuya.
"Siyempre gusto mo ng ganung party para ma sayaw2 ka ng kahit sinong lalaki"! Aniya na ikinaangat kong tumingin sa kanya na may galit habang siya nang uuyam na pinaglalaruan lang ng tinidor ang manok sa plato niya.
"Gred natural lang sa edad ng kapatid mo na may mga manliligaw na sa kanya eh ang gandang bata kaya ng Lily natin" tuwang sabi ni mama via,
sa sinabing iyon ni mama biglang napatayo si kuya at hinampas ang plato sabay alis,umiling iling na lang sila nasanay na rin sa ugali ni kuya,tumanggi na lang ako sa alok ni nanay at mama na mag pa party ayokong magkagulo pa dahil siguradong mag eeskandalo na naman ang kapatid kong may saltik yta sa pag iisip.
Napagdesisyunan na lang namin na mg over night sa beach,nalungkot mn ang mga kaklase ko binigyan na lang nila ako ng ibat ibang regalo.
Dumating ang araw ng kaarawan ko hindi pa rin kami ngkikibuan ni kuya madalas kung kausapin niya ako pabalang o di kaya nang iinis na iniirapan ko na lang palagi.
Maganda ang resort na kinuha ni nanay alam kong may kamahalan talaga ang isang gabi dito,napag alaman ko rin na binigyan dw siya ng pera ni kuya dagdag gastos sa debut ko yun pala ang dahilan nagtrabaho siya bilang construction worker pinag ipunan daw pala niya ang kaarawan ko.
Buong araw kaming nagtampisaw nina nanay at mama sa dagat habang si kuya natutulog lng sa may duyan hanggang sa dumilim na ng videoke pa kami at ng iinuman sina nanay,minsan natatawa din akong pagmasdan ang mga magulang namin lumabas talaga ang pagka tomboy ni mama via sa tuwing makainom na,nag co-corny jokes na ky nay Ara,nakita ko pa si kuya sa di kalayuan nakahiga sa buhangin habang humihithit ng sigarilyo.
Hindi ko napansin nilapitan ako ni nay Ara at niyakap.
"Nak happy birthday" hinalikan niya ako sa pisngi at ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Ganap ka na talagang dalaga nak" mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Sana hindi mo kami bibiguin ng mama mo hwag ka sanang matulad sa amin nak malaki ang tiwala ko sayo" sa pagkasabi ni Nanay bigla akong humikbi at napayakap ng mahigpit sa kanya,hindi ko alam kong paano kapag nalaman nila ang lihim na naganap sa amin ni kuya na mas masahol pa kaming mga anak nila sa eskandalong kinasasangkutan nila noon sa pagitan ng ama namin ni kuya.
Mahigpit akong niyakap ni nanay at pinunasan ang luha ko na ayaw matigil sa paghinto dahil sa bigat ng nararamdaman ko,na hanggat magkasama kami ni kuya sa iisang bubong alam kong hindi ako ligtas sa mga mangyayari pa lalo na ngayong may kakaibang umusbong sa nararamdaman ko para sa nag iisa kong kapatid.