Gabi na ng matapos namin ang inventory sa Jewelry shop kasama si Mrs.Winters kaya gabi na rin akong nakauwi sa aking inuupahang bahay. Pagdating ko nagtaka talaga ako kung bakit bukas ang ilaw sa aking maliit na sala ganung pag alis ko kanina ini off ko naman ang mga ito. Nakaugalian ko na kasi ang mag double check sa mga kuryente bago talaga ako umaalis ng bahay,uso pa naman dito ang sunog. Mabilis akong naglakad at mas pinagtaka ko dahil naka awang din ang pinto,kaya kinabahan na ako at baka may nakapasok na magnanakaw sa bahay,eh wala naman silang mananakaw dito. Pagbukas ko ng pinto dinig ko pa na may kumalabog sa kusina kaya dahan-dahan ang aking mga hakbang patungo roon.Hindi naman siguro ang alaga kong pusa na si kuting ang nagbukas ng ilaw.Laking gulat ko dahil ang nasilayan ko

