Magkasama kami ni kuya na pumunta sa hospital upang malaman ang tunay na lagay ng aking kapatid.Pagdating namin nasilayan ko agad si Ma'am Amanda na balisa kaya nilapitan agad namin siya ni kuya. "Ma'am Amanda ano pong nangyari kay Moira?" pag-aalala kong tanong. "Halos tatlong araw na siyang hindi kumakain Lily at nagkukulong lang sa silid niya,kanina nagtaka na ako dahil walang kaluskos akong naririnig sa kanyang silid,pagpasok ko nakahiga na siya sa sahig at walang malay." Umiiyak na nagkukwento sa amin si Ma'm Amanda. "Bawal sa kanya ang ma stress Lily ma trigger ang sakit niya sa puso" Tiningnan ko si kuya na tahimik lamang na nakikinig sa usapan namin ng ina ni Moira.Sakto naman at lumabas na ang doctor galing sa silid ng kapatid ko. "you can talk to the patient now" Pagkasa

