KABANATA 2

1011 Words
Kasalukuyan.. Naalimpungatan ako sa ingay sa labas akala ko talaga umaga na, Ngunit madaling araw pa lang,hindi ko namalayan nakatulugan ko na pala ang paghihintay kay kuya kanina. Narinig ko na may sigawan sa labas kaya dali-dali akong bumangon paglabas ko nakita ko si nanay sa kusina nataranta kaya dali-dali ko siyang pinuntahan sa kinaroroonan niya. "Nay anong nangyari?" pagtatakang tanong ko. "Ang kuya Gred mo nak napaaway na naman sa labas andoon ang Mama Va mo inaawat sina Gred at mga tropa niya,kamot-kamot pa sa batok si Nanay pati siya namomroblema sa ugali ni kuya. Hay ewan ko ba sa batang yan napakabata pa pero napaka barumbado na nagmana siguro yan sa ugali ng ama ninyo tsk! tsk!" Pa iling- iling na sagot ni Nanay Ara habang naglalagay ng yelo sa maliit na palanggana. Nagkabukol daw pala si kuya dahil sa suntukan nila ng kabilang tropa,sinundan ko agad si Nanay sa labas naabutan ko doon ang mga tanod at mga nakikiusyusong mga kapitbahay namin pati din sila nagising bigla sa ingay natuon ang atensyon ko kay Kuya Gred duguan ang noo at may putok sa labi ganun din ang ibang nakasuntukan niya, pinagalitan siya ni Mama Via at humingi ng dispensa sa mga tanod. "Naku Aling Via pagsabihan mo yang anak mo marami ng napeperwisyo ang batang yan napakabata pa eh aba barumbado na!" galit na sabi ng tanod dito sa amin "Hayaan mo na Pedro kakausapin ko ang anak ko"paumanhing sabi ni Nanay sa tanod "Naku! bukas siguradong ipapatawag kayo sa barangay Aling Via kasama na iyang anak mo at mga tropa niya tiyak magsusumbong yung si Adrian anak pa naman yun ng konsehal sa braranggay natin dito,ang malas pa yang anak mo ang bumanat ng suntok sa batang yun" malumanay na sagot ng tanod ky Mama, nag usap pa sila ng ilang minuto bago binira ni Mama Via si kuya at pinitikan ang tainga at pumasok na kami sa loob ng bahay mangiyak-ngiyak si Mama na pinagalitan si kuya na nakayuko lang. "ano ba talaga ang problema mo ha Gred bakit ganito ang asal mo!hindi naman kita pinalaking barumbado ah pero parang kusa talagang lumalabas ang ugali ng ama mo sayo!" singhal ni Mama kay kuya habang si Nanay Ara abala sa pagpunas ng dugo sa noo ni kuya,nasa gilid lang ako ng pintuan nakikinig at tiningnan si kuya na hanggang ngayon nakayuko pa rin pero nakakuyom ang kamao niya senyales na galit na galit talaga ito. Maya-maya pa pumasok na sina Nanay sa kwarto nila inalo pa ni nanay si Mama para kumalma sa galit mula pa kanina,kulang na lang talaga paluin nya si kuya naawa lang siguro siya dahil basag na ang mukha sa suntok ala una pa kasi ng madaling araw,hindi na ako inantok ulit dahil sa nangyari kaya naisipan kong puntahan si kuya Gred sa silid akala ko natutulog na siya nakita ko bukas ang pinto nakaupo lang siya at ang mata nasa labas ng bintana malalim ang iniisip kaya pabulong ko siyang tinawag na ikinalingon niya,baka kasi magising sina nanay. "Kuya di ba sabi ko sayo huwag mong galawin si Adrian wala nman siyang ginawa sa akin kahapon ah" pabulong kong sabi sa kanya,hindi niya ako nilingon nakakuyom lng ang kamao niya na nanlilisik ang mata,minsan natatakot na talaga ako sa inaasal niya masyado siyang bayolente kong nagagalit,nakita niya kasi kami kahapon ni Adrian sumabay lang siya sa akin at inakbayan ako ang akala na ni kuya niligawan ako ni Adrian. Nagagalit din ako minsan kay Adrian napaka landi din alam naman niya na ayaw ni kuya na nilalapitan ako ng mga lalaki pero mas ininis pa talaga yata niya ang kapatid ko. Kaya noong nakita niya kami napatakbo agad ako sa kanya nararamdaman ko na kasi na may masama siyang gagawin ky Adrian at hindi nga ako nagkamali. "Di ba sinabi ko na sayo huwag kang lumapit kahit sinong lalaki bakit hindi ka makaintindi ha Lily ginagalit mo ba talaga ako ha!" paghihimutok niya sa akin "Please kuya baka marinig ka nina Nanay hinaan mo ang boses mo" kabang sabi ko sa kanya wala kasi siyang pakialam kung marinig man kami nina Mama at Nanay basta kung nagagalit siya ay galit talaga siya at walang makakapigil sa galit niya. "Puwes kung ayaw mong nagkakagulo tayo dito sundin mo lahat ng gusto ko Lily!" asik niyang sagot sa akin na halatang nanggigil pa sa galit. Kaya nilapitan ko na siya alam ko kasi na ako lng ang makapagpakalma sa kanya.Niyakap ko si kuya ito lang ang tanging paraan para mapakalma siya sa kanyang galit,at unti unting lumambot ang mukha niya,tinabihan ko muna siya sa pagtulog Hanggang sa naramdaman ko na mahimbing na siyang natutulog kaya dahan-dahan na akong bumangon para lumipat sa silid ko natatakot din ako baka makita kami nina nanay na magkatabi sa pagtulog,madalas kasi si kuya ang pumupunta sa silid ko,nakayakap pa naman si kuya sa akin ayokong makita kami sa ganitong posisyon nina mama Via at Nanay Ara guilty din kasi ako ganung may lihim kaming ka imoralang ginawa ni kuya. Matapos ang pangyayaring yon pinatawag si Mama Via at kuya sa barangay mabuti na lng at mabait ang kapitana at hindi binigyan ng parusa sina kuya Gred at pinag community service na lang sila buong araw Ayoko sanang pumasok sa paaralan dahil alam kong topic na naman ang gulong kinasasangkutan ni kuya at hindi nga ako nagkakamali dahil usap usapan talaga ang nangyari sa kanila sa paaralan. "Buti na lng talaga Lily naawa si kapitana sa kuya mo at mga tropa niya galit na galit pa naman si konsehal Malvar ang Papa ni Adrian ang gusto sana tanggalan ng Scholarship ang kuya mo" saad ng kaklase kong si Ria. "Sayang ang gwapo pa naman ng kuya mo pero ugaling kanto naman,pailing iling niyang sabi. Hindi na lang ako kumibo naawa man ako kay kuya mas mabuti na rin na pina community service lang sila ng tropa niya at sana magbago na si kuya dahil sa susunod na buwan kaarawan na niya atsmag ko kolehiyo na rin si kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD