"Lily tell me the truth may ginawa ba sayo kagabi yung nagngangalang Ced ha?" hindi na magkandamahog si Moira sa pagtatanong tungkol sa kanyang nakitang marka sa aking leeg.Makapigil hininga akong naghanap ng dahilan upang hindi niya ako pagdudahan. "ahm hindi Moira wala na kasi akong maalala kagabi sa sobrang kalasingan" pagsisinungaling ko at dali-daling tinakpan ko agad ang aking leeg,nakita ko pa si George na tumitig sa akin ng makahulugan. Mabuti na lang at sumabad si kuya sa usapan namin at nawala ito sa atensyon ni Moira ngunit hindi ako nakaligtas sa mapanuring tingin ni George. Kahit lasing ako naalala ko pa rin ang mga ginagawa namin ni kuya,hindi ko talaga siya kinibo ng makabalik sila ni Moira galing sa golf course,siya kasi ang nasa wastong katinuan dahil lasing kami pareh

