Tres
Kahit anong pamimilit niya at kahit parang masagad na ang inis niya sa akin ay hindi ko pa rin talaga binigay sa kanya ang cellphone niya. Hanggang sa kusa siyang lumabas sa opisina ni Kuya at basta malakas na isinara ang pinto.
Napailing ako at nanliit ang mga mata na tiningnan ang sira niyang cellphone. Hindi ko na hinintay pang gumalaw ulit ng kusa ang kamay ko para hawakan ulit ang bagay na ‘yon dahil kapag nakita ko na naman ang wallpaper niya, baka mas lalo lang masira ang sira niyang cellphone.
I don't even know why so many girls and women are so hooked about K-Pop groups nowadays. In this generation, marami ng gwapo dito sa Pilipinas at talentado rin pero hindi ko lang talaga magets kung bakit nagpapaka-down bad sila sa mga koreano. Mga babae nga naman. Mayaman naman kami, gwapo at talentado rin pero bakit kailangan pa nila dumayo ng ibang bansa para mag idolized ng ibang lahi kung sa sariling lahi nila ay meron naman!
Napailing-iling ako at inumpisahang basahin ang notes na nasa tablet ni Kuya. Then I saw a name that's currently familiar to me.
Yna Samonte..
Tumaas ang isa kong kilay ng basahin ang nasa baba ng pangalan niya. Magkatulad sila ng apelyido ng nakasulat rin sa notes ni Kuya. May schedule na nakalagay of her operation. At nabasa ko rin na ngayong araw ay naka-schedule ang pag check sa kanya ng buong laboratories team and examiners. I wonder who they are.
Natigil lang ako sa pagbasa sa notes ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Kara. She's handling some stuff while entering quietly in the room.
”Tres, pinapasabi ng Kuya mo na ikaw raw muna ang bahala na mag assist kay Miss Yna Samonte at sa Mama niya.” Imporma ni Kara matapos niyang mailapag sa lamesa ang mga dala niya.
Napatitig ulit ako sa kanya at tila hindi ko agad na proseso ang sinabi niya kaya mas lalo siyang lumapit sa akin at tuwid akong tiningnan.
“Bakit ako kung nandiyan ka naman?” Mariing reklamo ko.
Una sa lahat, sumasideline lang naman ako dito pero bakit kailangan kong gawin pati ang mag assist sa mga pasyente eh hindi ko naman gawain 'yon. I'm only here in my brother's office every time he needs me urgently. Staka never in my life done this kind of thing. Yung mag a-assist ng tao at suyurin ang buong ospital na para bang bodyguard ako ng ibang nurse at doctor.
Hell no!
“May urgent meeting na iniwanan sa'kin si Doc Uno kaya hindi ko na magagawa pang harapin at i-assist ang mag-ina ni Miss Yna..”
“Sino ba kasi ‘yon?” Kuryos kong tanong kahit medyo may alam na rin ako kung sino ang mga ‘yon.
Nanglakbay ang mga mata ni Kara sa loob ng opisina ni Kuya na para bang may iba siyang hinahanap na tao bukod sa akin.
Hindi ko tuloy napigilan na itaas ang isa kong kilay dahil obvious naman na kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa loob ng opisina.
“Hindi mo ba naabutan dito si Miss Yna?” Tanong niya sa akin ng ibalik niya ang paningin sa gawi ko.
Patay malisya akong umiling-iling.
Tumango-tumango siya saka hinagip ang notepad ni Kuya.
And by her reaction, I knew that Yna was the one who left before Kara entered.
“I accepted,” bigla kong sambit at staka tamad na humilig sa swivel chair.
Agad namang pinatay ni Kara ang notepad na hawak at inilapag pabalik sa lamesa saka pa siya bahagyang ngumiti sa akin.
“Sige, mauna na ako,” saka siya tuluyang tumalikod. “Nga pala, pinasabi rin ng Kuya mo na sa Bulacan ka raw dumiretso kapag out mo na. Nasa Casa Cuevas silang lahat.” Bilin pa ni Kara at saka lumabas ng opisina.
Naulit sa akin ni Ate Luna na lahat ng grupo ay may get together sa Casa pero hindi ko alam na ngayong araw din pala ‘yon. Hindi ko alam kung makakapunta pa ako dahil sobrang layo ng byahe. Staka mukhang mapapagod ako ngayong araw na ito.
Pagpatak ng alas dose ng tanghali, saka lang ako tumayo para mag lunch break. Hindi ko rin nagawang lumabas at pumunta sa canteen na kadalasan kong nagagawa kapag nandito ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang dami ang naging pasyente ngayon ni Kuya at bukod pa doon ang mga nag walk in para magpa appointment kaya halos pagod na pagod na ako kahit kalahating araw pa lang naman.
Pagdating ko sa canteen, nag order agad ako ng makakain ko. And in a minute, nasa harapan ko na rin ang mga pagkain. Mas lalo akong nagutom ng maamoy ang beef steak na mismong si Mommy ang gumagawa ng recipe na ‘yon.
“Sir, any drinks po?” Bumalik sa kinuupuan ko si Maloy, personal cook naming mag-anak kapag nandito kami sa ospital.
“Kape na lang. Ipadala mo na lang mamaya sa opisina ni Kuya after I'm done eating,” then I open my mouth bigger to eat my food.
Parang magdamag akong hindi nakatikim dahil nakatatlong cup of rice ako. Taob lahat ng pagkain na niluto sa akin ni Maloy. Even the fresh salad na pinahabol kong ipagawa ay naubos ko rin.
Pagkatapos nun, lumabas lang ako para pumunta sa smoking area just hit some cigarette. Hindi ko ‘to usual routine after eating. Medyo trip ko lang ngayon mag sigarilyo dahil sobra akong nabusog. I always have cigarettes in my pocket even though I'm not smoking everyday.
After three hits of smoke, tinapon ko agad iyon sa lupa at madiin na tinapakan bago dinampot at itinapon sa basurahan.
Pagbalik ko papasok sa loob ng lobby, nakita ko agad ang pamilyar na itsura ng babae. Lihim akong napangisi dahil siya nga yata talaga ang Yna Samonte na sinasabi ni Kara. May kasama siyang isang babae na naka-upo na ngayon sa wheelchair.
“Nandito na pala si Sir, Tres!” Bulalas na sabi ng isang nurse na kausap ng kasama ni Yna.
Iniwasan ko ng paningin si Yna ng akma siyang tumingin sa akin. Suplado akong humarap sa nurse.
“Anong meron?” tanong ko agad ng hindi tumitingin sa aking tabi. Nakasentro lang ang paningin ko sa nurse habang inaabot sa akin ang folder na hawak.
“Sila po pala ang important patient ni Doc Uno na pinapa-assist po sa inyo, Sir. Natapos na po namin gawin lahat ng laboratories ni Mrs. Samonte, Sir. Waiting na lang po sa results after five minutes,” imporma nito ng abutin ko ang binibigay niya.
Binuklat ko iyon at nakita ko ang mga ginawa nilang laboratories. Lahat binaybay ko ng pagbasa hanggang sa magsalita si Yna na nasa tabi ko lang.
“Nurse, sa waiting area na lang po kami maghihintay ng result,” paalam niya sa nurse na siyang pag gilid ng mga mata ko sa gawi niya.
“S-sige po…” Alanganing sagot ng nurse saka ko nakitang gumalaw paurong ang wheelchair na inuupuan ng matandang babae.
“You can tell them na pwede sila magpahinga sa opisina ni Kuya habang hinihintay ang results.” Bilin ko sa nurse bago umalis para bumalik sa opisina.
Pero sa halip na pumasok sa opisina ni Kuya, sa kabilang opisina ako pumasok. Sa office na walang ibang umuukupa kundi ako sa tuwing gusto kong magpahinga.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakaupo ng biglang may kumatok sa pinto. Huminga ako ng malalim at bumalik sa paglakad papunta sa pinto para buksan iyon.
“Sa waiting area na lang daw po sila maghihintay, Sir.” Imporma ng nurse na hihingal-hingal pa.
Biglang naningkit ang mga ko dahil sa kung anong iritasyon na naramdaman.
Really, huh? Mas gustuhin niya pa na mainitan doon ang Nanay niya kesa ang tumambay sa presko at malamig na opisina?
“Tell them na wala namang tao sa inaalok mong opisina. Medyo matagal ang five minutes at baka biglang sumama ang pakiramdam ng pasyente kung titigil sila doon ng matagal,” paliwanag ko bago tinalikuran ang nurse.
“Sasabihin ko po,” sagot nito bago isinara ang pinto. Tuluyan akong napahiga sa sofa habang nakatingala sa kisame. That woman.. Nakikipagmatigasan talaga siya. Kabilin-bilinan ni Kuya na i-assist ko sila ng maayos. Although di-aircon naman ang buong lobby, mas komportable pa rin maghintay sa opisina ni Kuya kaya hindi ko maintindihan kung bakit tumatanggi siya ngayon!
“Come in,” tamad kong sabi ng may kumatok na naman sa pinto. Hindi ako bumangon at ganun pa rin ang posisyon ko hanggang sa magbukas ang pintuan.
“Sir, ayaw po talaga eh…” Sambit ng nurse.
Umangat bigla ang kilay ko habang nakatitig sa kisame.
“‘Kay. Tumawag ka na lang kapag okay na ang results,” saka ako dumapa at ipinikit ang mga mata.
Sumagot ang nurse bago isinara ang pinto. At this time, I calm myself. Medyo umaatake na naman ang sakit ng ulo ko kaya gustong-gusto ko umidlip pero ilang segundo lang ang nakalipas ng may tumawag sa telepono.
I stk then pulled myself to take the telephone.
Hindi ako sumagot ng mailagay ko sa tenga ko ang telepono.
“Sir nasa office na po ni Doc Uno ang results.” Saad ng nurse sa kabilang linya. Pagkatapos niyang magsalita ay tamad kong ibinaba ang telepono at tumayo na para pumunta sa kabilang opisina.
“Shít.” Napamura pa ako ng bumungad sa akin ang kape na hindi na umuusok. Pero kahit kasinglamig na ng yelo, inisang lagok ko pa rin iyon hanggang sa maubos.
Ilang minuto kong binasa ang mga resulta bago ko iyon ibinalik sa folder. Dinampot ko ang susi ng kotse ko staka binuksan ang drawer at kinuha ang cellphone na sira-sira ang screen.
Tinitigan ko ‘yon ng maigi saka bahagyang umismid at tuluyan ng lumabas ng opisina ni Kuya.
Pagdating ko sa lobby, nadatnan kong paalis na ang nurse na kakatapos lang makipag-usap kay Yna at sa Nanay nito. At ng malapit na ako sa gawi nila, akma kong kukunin sa bulsa ko ang cellphone niya para sana ibalik sa kanya ng basta niya ako inirapan ng sagad bago sila tuluyang lumabas ng exit.
“What the hell?” Mariing bulong ko sa sarili dahil sa ipinataw niyang pang iirap sa akin!