INIWAN si Halina ni Goddy saglit sa maliit na sala nito, at nang bumalik ito, may dala itong towel, damit at boxer nito. Nagtatakang sinundan ni Halina ang binata na patungo sa kusina nito— ay hindi pala, sa banyo nito. Sinabit nito doon at nakita niyang tiningnan nito ang thermos nito. Wala yatang laman kaya bumalik ito sa banyo at may tiningnan doon. Pero mukhang wala doon ang hinahanap kaya pumunta ito sa lababo at binuksan ang cabinet sa ilalim niyon. May kinuha ito at bumalik sa banyo. “Bakit? Saan mo ako dadalhin.” Tinuro ni Goddy ang banyo. “Malapit nang uminit ang tubig sa timba. Maligo ka muna.” “What?” Nagpakawala ito nang buntong hininga. “The last time na naulanan ka, nilagnat ka, ‘di ba? Kaya bakit ka kasi nagpaulan na naman?” pagalit na sabi nito nang balingan siya. “Dapa

