NAKANGITING inilapag ni Goddy ang cellphone matapos na reply-an si Halina. Tinanong niya ito kung kinain ba nito ang binigay niyang miryenda.m at sumagot naman itong oo. Kaya natutuwa siya. Lumabas siya para bilhan ito dahil hindi naman kasi ito madalas na kumakain sa hapon lalo na kapag busy. Eh, hindi naman iyon pwede sa kanya kaya napilitan itong kainin. Parang ang payat nito sa paningin niya. Mas gusto niya ‘yong katawan nito noong nasa kolehiyo sila. Hindi pa man siya matagal sa huling ginagawang design nang makarinig ng katok sa pintuan ng opisina niya. Sa pag-aakalang ang kasamahan niya ay sinabihan niyang pasok nang hindi tumitingin doon. Pero nabigla siya nang makitang hindi iyon kasamahan sa trabaho. Hindi niya akalaing ang dating boss niya sa SGC. Si Kalei Hernandez, ang kak

