PAPASOK na si Halina sa establishiyemento nang makatanggap nang tawag sa kapatid. “What?” aniya, nang sagutin ang kapatid “I need your help, sis. I have a meeting today sa San Remigio branch kaso nagkaroon ng conflict sa schedule ko. Na-overlook ng secretary ko ang schedule ko today. Ngayon din kasi ang flight ko papuntang SG. Kaya okay lang ba kung ikaw muna ang pumunta for me?” “Okay. Pa-send na lang ng discussion points sa email.” Mayamaya ay may kinausap ito at sa tingin niya ay ang secretary nito. “Thanks for saving me, sis.” “You’re not welcome. May bayad kasi ito.” “Got it. I’ll make a note of that.” Kasunod niyon ang mahihinang tawa ng kapatid na si Kalei. Well, as of now, hindi pa niya alam ang kapalit, pero sisiguruhin niyang meron. Parang lifeline niya ang usapang ito ku

