Tahimik naman si Grace pero sa isip niya para yatang mayroon hindi magandang mangyayari ngayong gabi. Sa isang banda ay tatawa-tawa naman ang binata. Hinapit niya sa baywang itong dalaga "Halika na nang makarami rin tayo!" sabi ni Bryan na may ngiti sa labi. Kinurot nang pino ni Grace ang lalaki "Nagmamadali ka ba?" bigkas ng dalaga. "Siyempre, baka magkulang sa serbisyo!" saka ngumiti ito sa kan'ya nang nakakaloko. Nagtungo sila sa kuwarto nitong dalaga na pansamantala magiging kanilang kuwarto hanggang sa ang dalaga ay makapagpasiya lumipat sa mansion ni Bryan. Pagkasarado ng pinto kaagad na hinapit ni Bryan si Grace at ito ay kinintalan ng halik. At first it was just a touch but what followed was a passionate kiss he gave to the girl. Parang naupos na kandila itong dalaga matapos

