Dahil sa pagdating ng anak ni Grace hindi na tuloy mapaalis pa ng dalaga ang binata. Tuluyan na ito na niyaya ng anak para makausap. Ang mag-ama ay nagyakapan at ang mga mata ng anak ni Grace ay napuno nang kagalakan at 'yon ay nakita ng dalaga. "Yehey! Mayroon na akong papa. Lolo, mama thank you po at tinupad ninyo ang pangako sa akin na sa atin pag-uwi ay makikilala ko na ang akin papa!" Matatas na ang anak ni Grace magsalita ng tagalog kahit pa ito ay lumaki sa ibang bansa dahil tagalog ang usapan nila sa bahay doon sa Canada. "Ano plano mo ngayon sa mag-ama mo, anak?" tanong ng ama ni Grace na mayroon pa rin agam-agam sa dibdib. "Hindi ko alam, papa dahil sa ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko tuwing maalala ang mga tagpo na aking nakita kay Bryan at Margot." Natahimik ang matanda

