Maaga tumayo si Grace sa kama dahil balak niya tumakbo sa paligid ng subdivision katulad ng kan'yang ginagawa noong nasa Canada sila ng kan'yang ama. Mainit na pero hindi ito alintana ng dalaga na tumatakbo sa paligid ng subdibisyón. Pawis na pawis ang dalaga ng ito ay bumalik sa kanilang mansion. Nang bumalik na si Grace ng mansion ay hinanap niya kaagad ang ama. Ang ama na palaging nakaupo sa mahaba nilang sofa sa may living room tuwing umaga ay hindi niya nakita. Pumasok siya sa dining area at wala rin doon ang papa niya kaya nga tinanong niya ang bago nilang kasambahay na si Manang Lupat. "Manang, nakita po ba ninyo ang papa ko?" Tumingin pa sa kan'ya ang bago na kasambahay saka sinagot si Mary Grace "Nasa itaas po, sa mini-office po niya dumating po kasi kanina si Sir Bryan." Na

