Sa unang gabi nitong dalaga sa mansion ni Bryan parang manok siya na mababaw ang tulog.
Konting ingay lamang kaagad na siyang nagigising. Namamahay siya o baka kaya ay naninibago lamang.
Alas tres ng umaga ay gising pa ang dalaga. Bumaba ito para siya ay uminom ng tubig nang may bigla na humawak sa braso niya.
"Ay, nahulog na pu_e!" bulalas nang nagulat na dalaga .
Dahil madilim ay hindi kilala ni Grace ang tao na humawak sa kan'ya kaya siya ay natakot at napaatras sa likod.
"Grace, ako ito si Bryan. Teka at bubuksan ko ang ilaw!" ani Bryan na tumalikod para niya buksan ang mga ilaw na nakapatay.
Maliwanag na kaya ang takot ng dalaga ay nawala na. Nagtataka siya at gising na ang binata, namasdan niya na boxer short lamang ang suot nito kaya nag-iwas siya nang tingin.
"Kay aga naman po ninyo na gumising, nagugutom po ba kayo? Gusto ninyo ba na pagluto ko kayo ng agahan?" tanong niya pa sa lalaki kinakabahan at parang tinatambol ang dibdib.
"Ikaw, bakit ang aga mo rin na gumising? Nakatulog ka ba?"
Napatingin siya sa lalaki at siya ay nag-iwas nang tingin dahil para bang nahipnotismo siya ng binata.
"Bakit hindi ka makasagot sa akin? Natatakot ka ba o sadya lang na guwapo ako kaya ka natutulala!" banggit nito na nakangiti at parang niloloko pa ang dalaga.
"Pu-puwede po ba umakyat na kayo sa kuwarto ninyo kasi naiilang ako sa suot ninyo!"
Napatingin sa suot niya ang binata at pinukulan nang tingin ang namumula na mga pisngi ng dalaga. Mayroon kalokohan naisip bigla ang binata.
"Ngayon ka lang ba nakakita nito?" sabay baba ni Bryan ng boxer short niya na kinagulat ng dalaga at ito ay napatakbo kaagad sa kan'yang kuwarto.
Tawang-tawa si Bryan sa naging reaksiyon ng dalaga at siya ay halos sumakit ang tiyan sa paggoodtime kay Grace.
Sa isang banda naman nasa kuwarto na ang dalaga at nagtakip ng kumot hanggang sa ulo niya at ito ay hiningal sa pagtakbo papunta sa kuwarto niya.
Hindi maalis sa isip kan'yang nakita at hindi niya alam kung bakit ginawa ng lalaki 'yon. Ito ang unang pagkakataon niya makita ang bagay na 'yon.
"Ang laki at ang haba pa, hindi ba siya nabibigatan doon?"
Hindi na tuloy siya nakatulog pa dahil para pa niya nakikita ang bagay na pinakita nitong si Bryan sa kan'ya.
Hindi niya akalain na ganoon ang ano ng binata kaya hindi tuloy matanggal pamumula nitong pisngi niya.
"Paano ko pa siya haharapin, boss ko pa mandin siya?" ani Grace sa sarili balisa at pabiling-biling sa higaan.
Natakip pa ni Grace sa mukha ang mga palad paulit-ulit kasi ang tagpo na 'yon sa isip niya nang ibaba ni Bryan ang kan'yang boxer short at humantad sa dalaga ang sandata nito.
"Naku, kapag ito nalaman ni papa tiyak ko magagalit 'yon kay Bryan. Ano ba nakain ng lalaking 'yon at pinakita niya sa akin ang kan'ya?" sabi pa ni Grace sa sarili na hindi pa rin makalimutan 'yon.
Si Bryan naman ay umiinom ng alak sa opisina niya at hindi pa rin makatulog. Siya ay napapangiti sa alala nang ginawa niya kanina.
"Maghunos-dili ka, Bryan at masiyado pang maaga. Kaunti pang tiis at darating din ang oras para sa iyo." Anas niya sa sarili na nangingiti pa.
Ilan sandali pa ay nakatulog si Bryan sa sofa at nagulat nang bigla siyang katukin ng kasambahay na si Erica.
"Sir Bryan, ang mama ninyo ay dumating at tinatawag kayo dahil kakain na raw po!"
Pupungas ito na tumayo saka umupo nang deretso at siya ay nag-unat. Tiningnan niya ang paligid at naalala na siya ay naroon nga pala sa kan'ya mini office.
"Bababa na kamo ako, sabihin mo," saad ni Bryan na tumayo para magpunta ng banyo.
Bago bumaba si Bryan siya ay kumatok sa pinto ng dalaga na tulog pa pala. Gusto niya sabihin papasok na sila.
Nakababa na si Bryan, binati ang ina na nakasimangot mukha itong seryoso pero hindi pinansin ito ng binata.
"Talaga ba na ako ay wala nang halaga sa buhay mo?" may tampo na salita ng ina sa binata.
"Ano na naman ba ito, mama? Umagang-umaga ay sermon kaagad ang pasalubong mo sa akin!" sagot ni Bryan sa naiinis niyang ina.
"Puwede ba tayo kumain nang tahimik lamang gutom na ako at papasok pa,"
Walang nagawa ang ina sa anak at hinayaan na ito ay kumain muna. Napatingin lamang sila nang bigla ay bumaba si Grace sa hagdan.
"Narito na pala ang babae na 'yan. Ano pa ba ang silbi ko rito? Mayroon na pala akong kapalit!" reklamo ng ina rito sa anak habang matalim nito na tinitingnan si Grace.
"Mama, tigilan na ninyo mga pasaring na 'yan at sumasakit ang ulo ko! Si Grace ay aking assistant kaya manahimik na kayo!" wika nito sa ina habang nagkakandatulis ang nguso nito sa inis kay Grace.
"Pasensiya na po kayo, ma'am kung hindi naging maganda umaga ninyo," saad nito sa ina ni Bryan saka nagbaba ng ulo dahil sa hiya.
"Umupo ka na at kumain dahil marami tayong gagawin ngayon sa opisina." sambit ng binata kay Grace nakatungo pa rin.
Ayaw sana nito sumabay na kumain sa mag-ina dahil ang titig ng ina ni Bryan ay para bang sibat na tumatama sa kan'ya at kung ito ay nakamamatay siguro patay na siya ngayon.
Matapos nila kumain sila ay nagpaalam na sa mama nito at sila ay sumakay na sa kotse ng binata.
Habang sila ay nasa sasakyan wala silang imikan dalawa ng binata. Ang binata ang unang pumutol nang katahimikan.
"Hindi muna tayo papasok at may pupuntahan tayo ngayon."
Napatingin si Grace sa lalaki at para pa itong nagtataka sa sinabi ng binata kaya siya ay nagtanong dito.
"Sabi mo marami tayo ngayon gagawin sa opisina kaya nga maaga tayong umalis?" anito sa binata na nagtaas lamang ng kilay.
"Sino ba sa atin ang boss at ang dami mong angal?" aniya sa dalaga tumahimik na lamang at baka mag-away pa sila ng binata.
Sa isang hotel pala ang punta nila dahil may investor daw sila na kakausapin. Sumunod na lamang ang dalaga at hindi na nagtanong pa.
Pagdating nila sa hotel mayroon nga naghihintay sa kanila na isang matandang lalaki. Lumapit at bumati rito ang binata.
"Sorry, Mr. Reyes natraffic kasi kami sa Edsa. Halika na po sa aking pinareserve na kuwarto upang ating mapag-usapan mabuti ang inyong proposal,"
"Ito nga pala ang aking P.A. na si Ms. Alcantara." Sabi nitong si Bryan saka naglakad na papunta sa may elevator.
Napatingin si Grace at bigla ito napanganga dahil hindi niya akalain na nag-reserve ang lalaki ng kuwarto sa hotel na 'yon.
Wala nagawa si Grace kaya ito ay sumunod rin sa dalawang lalaki kahit kinakabahan dahil first time niya makakapasok sa kuwarto ng isang hotel.
Ang kuwarto na pinareserve ni Bryan ay may pagkain at mga drinks na nakahanda. Buong umaga halos nag-usap ang dalawa tungkol sa proposal ni Mr. Reyes.
Si Grace naman ay sinulat ang lahat nang pinag-usapan ng dalawa ayon sa kagustuhan nitong binata na mabilis naman niya ginawa.
"Nakuha mo ba lahat ng amin napag-usapan ni Mr. Reyes?" tanong ng binata kay Grace na tumango-tango naman.
Bago umalis ang kausap nila na matandang lalaki sila ay kumain na rin nang tanghalian doon. Si Grace ay humanga sa binata dahil sa husay nito sa pakipag-usap at makipag negosasyon.
Alas dos nang hapon na kaya inayos na ni Grace ang mga papeles na binabasa kanina ni Bryan at pinag-aaralan.
Naglalaman ito nang tungkol sa proposal ng matanda kay Bryan kaya tiningnan mabuti ni Grace ang mesa, silya at ang lapag para matiyak na walang maiiwan o nahulog na mga papeles.
"Nagmamadali ka yata, wala na naman tayo pupuntahan kaya halika at magpahinga muna rito,"
Napalunok si Grace bigla sa sinabi ng binata at ewan niya pero kinabahan siya, ang bilis nang t***k ng dibdib niya.
"A-ano sabi mo, magpahinga muna tayo rito?" tanong niya muli sa lalaki na humiga na sa may kama at pumikit pa.
Maya-maya ito ay dumilat at sinenyesan na lumapit ang dalaga sa kan'ya. Napaisip ang dalaga kung susundin ang lalaki pero boss nga pala niya ito.
"Mayroon po ba kayong gusto iutos sa akin?" tanong nitong dalaga sa lalaking pinagmamasdan siya ngayon.
"Masakit ang likod ko, ikaw ba ay marunong magmasahe?" saad ni Bryan na kun'wari balewala sa kan'ya ang tinatanong.
Napaatras ang dalaga at hindi nakakilos. Parang mayroon biglang kumalembang sa isip niya kaya hindi ito kaagad nakasagot.
"Lumapit ka rito sa tabi ko at aking titingnan kung magaling ka magmasahe,"
Hinubad pa ng binata ang suot na polo at humiga nang patalikod. Nakita na naman ng dalaga ang mga pandesal ng binata at ito ay hindi na mapalagay pa.