Ang Dating Mafia Leader

1669 Words

Pinapatulog ni Grace ang anak na lalaki at hindi nito maiwasan na ito ay titigan. Napakabilis ng oras para bang kahapon lamang nang malaman niya na buntis siya. Buti at naroon ang ama niya na naging sandalan niya nang mga oras na 'yon. Hindi siya nagsisisi binuhay niya ito dahil ito ang nagbigay kulay sa buhay nila ng ama. "Lahat gagawin ko upang ikaw ay mabigyan ko nang magandang bukas!" anas niya na pabulong sa sarili. "Anak bakit ka naririto pa at hindi pa natutulog?" tanong ng ama na mataman siyang tinitingnan. "Matutulog na rin po ako gusto ko lamang po makita kung maayos na ang anak ko," sambit nito sa ama mayroon pag-alala sa anak. Oo nga pala, ang yaya ng anak mo kailan daw ang balik? Mula nang tayo ay makauwi rito sa Pilipinas at sunduin ng asawa niya ay hindi na tumawag pa,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD