Kinabukasan ay usapan nilang maglibot sa isla. Nagboluntaryo si Daniel na maging tourguide ngunit agad na binara ni Vincent. "Ano 'to, continenti? Masyadong maliit ang isla na 'to para kailanganin pa ng tourguide " He scoffed. Makahukugan silang nagkatinginan ni Daniel. Tinanguan na lamang niya ito at nangiti naman ang lalaki. "Si Tonio na lng ang isama nyo," suhestyon ni Melba. "Agree," sabi ni Vincent. "Mangunguha kamo kayo ng niyog hindi po ba? Gagwing kopras?" "Oo, Sir Vincent," sagot ni Mang Tonio at tumuloy na sila pagkatapos magpaalam sa mag-ina. Natawa pa si Grace nang magboluntaryo si Vincent na akyatin ang niyog para sa diumano ay fresh buko na mahal sa mainland. "Marunong ka ba?" Pang-aasar niya dito. He squared his shoulders and wink at her. "Ako pa ba?" Inabot nito an

