Umalis si Vincent kinagabihan. She was left alone kaya nagpasya na lang siyang matulog. She was almost asleep ng makarinig ng ingay ng mga sasakyan. At mukhang sa harap talaga ng bahay pumarada ang mga ito. Nagpapanic niyang hinanap ang cellphone para matawagan si Vincent. But she was too slow to hide. Napatili siya ng bumukas ang pinto. May nagbukas din ng ilaw kung kaya kitang-kita niya ang ilang kalalakihan. No Vincent among them. "Sabi ko naman sa'yo boss di ba? May tinatago sa'tin si Vince." Ngumisi ang mga ito. Napalunok siya sa narinig. Hindi niya maigalaw ang mga paa sa takot. Ni hindi siya makasigaw dahil baka bigla na lang siyang gilitan sa leeg noong isang naglalaro ng balisong. "Hala, tingnan nyo kung nandito siya." "Yes, boss..." Nagsialisan ang iba at hinalughog ang bah

