Grace can see it now. Kung bakit tila pamilyar sa kanya ang mukha ni Rowena. It's because namana ni Richard ang mukha nito sa ina. Iyon nga lang, sa halip na heart shape gaya ng sa babae, pangahan ang mukha ni Richard. A feature na meron si Darwin. "No." Mariing sabi ni Vincent. Nagpapanic siyang napatingin kay Vincent na nanlalaki ang mga mata. Bumalik ang galit sa mga mata nito. "This is bullshit!" galit na bulalas ni Vincent. Gustong sumakit ang ulo ni Grace. This can't be happening. "Siya?" Dinuro nito ang walang kamalay-malay na paparating na bisita ng mga Fuentes. "He's Darwin's real son?" Tila lalong uminit ang ulo nito nang walang sumagot ni isa sa kanila. Sinalubong nito ang papasok at nakangiti pang si Richard bago pa man makasaway si Mrs. Fuentes. Kinuwelyuhan nito ang n

