"We've talked about this, hindi ba?" malumanay na tanong ni Vincent habang nakaparada ang sasakyan nito sa tapat ng villa ng mga Fuentes. Ilang minuto na rin sila doon ngunit hindi pa rin mapalagay si Grace. Tama ba 'tong ginagawa nila? Baka mapahamak ang pamilyang ito kapag sinundan sila ng mga kaaway ni Vincent. "Don't you trust Mother Superior?" Mother Superior suggested na tanggapin niya ang inaalok ng may bahay noon, saying it will help as her temporary hideout. Ayaw man niyang umalis sa bagong condo nila ni Maine, Vincent said that the place is not safe anymore. Napadabog si Grace at dinuro ang lalaki. "Kasalanan mo ito e. Sinabi ko nang mag stay ka, ayaw mo. Tapos aalis ka nga pero balik ka naman ng balik sa condo. Ayan, nasundan ka tuloy," paninisi niya. He pouted. "Tsk... I'm

