ALLY’s POV PARANG libo-libong palaso ang tumarak sa puso ko. Looking at Ninong Conrad pati na ang babaeng parang ahas kung lumingkis sa kanya. Kanina lang ang saya-saya ko. He teased me, shared intimate moments, pero ngayon iba na ang kalampungan niya. Ramdam ko ang matinding sakit sa puso ko. “Besh—,” umangat sa ere ang kamay ko, para pigilan si Claudia sa sasabihin niya. Mabilis akong dumiretso sa toilet. Ibinaba ko ang takip ng toilet bowl at tinakpan ang bibig ko para hindi maka likha ng ingat. Saganang umalpas ang luha sa aking pisngi. “W—why, Ninong? Why?” Mahinang tanong na kumawala sa bibig ko. “Besh? Please kausapin mo naman ako, oh.” Dinig ko ang pagtulak ni Claudia sa bawat pintuan ng cubicle para hanapin ako. “Allaina! Isa!” Naiinis niyang sigaw. Ilang minuto p

