ALLY’s POV PARANG lumilipad ang utak ko. Nakailang buntong hininga ako. Ilang beses kong sinisi ang aking sarili dahil alam ko, ako ang may kasalanan. Araw-araw ng buhay ko ipinaramdam ni Daddy ang pagkakamali kong iyon. Napalingon ako kay Yaya lib, nang punasan niya ang luha sa mga mata ko; hindi ko na iyon namalayan pa. Awa ang nababakas ko sa mga mata niya. Umiyak din siya kanina hanggang ngayon namumula pa rin ang mga mata. Ramdam ko ang sakit na iyon na gumuhit sa mga mata niya sa tuwing tinitingnan niya ako. “Lakasan mo ang loob mo hija. Ikaw na lang ang pagkukuhanan ng daddy mo nang lakas at ito ay maging hamon sayo na hanapin ang kapatid mo.” Pagpapalakas ng loob ko ni Yaya. “Ang sakit lang ya, dahil buong buhay ko, pinangangalandakan ni Daddy ang kasalanan kong iyon. Buhay na

