CONRAD’S POV Madaling-araw na. Nakaupo ako sa driver’s seat ng kotse ko na nakaparada lang sa isang tahimik na bahagi ng Tagaytay Ridge. Nakabukas ang bintana, malamig ang simoy hangin pero mas malamig pa ang dibdib ko. Hawak ko ang aking cellphone, ilang minuto ko nang tinititigan ang pangalan ni Ally sa screen. Tinitimbang ko kung tatawag ba ako o hindi — kasi baka makatulog na siya, na parang… ayokong ipakita sa kanya kung gaano ako kahina sa mga oras na ito. Nagdadalawang isip ako. Pero sa huli, pinindot ko pa rin ang call button. Tumunog nang ilang beses. Pero walang sumasagot hanggang sa matapos ang tawag ko. Huminga ako ng malalim. Loneliness consumed me. Gusto kong marinig kahit boses lang niya, she’s my baby doll, her voice gave me strength even for a moment. Iyon lang sapat n

