ALLY’s POV NANLAMIG ang aking buong katawan. Napatingin ako sa kay Mang Nestor na totoong tatay ko. Nagtama ang aming mga mata. Lumapit siya sa akin. “Allaina, anak?” Wala akong sagot tumayo ako at niyakap ko siya. I was longing for a father figure for a very long time. Humagulgol ako ng iyak. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. “Daddy, daddy ko!” Paulit-ulit kong tawag sa kanya. “Nandito si Daddy, anak. Nandito ako para sayo. Humihingi ng sorry si Daddy. Patawad anak ko,” hingi niya ng tawad. “Mom!” Malakas na sigaw ni Lucas! Kaya napa kalas ako ng yakap kay daddy. “Mommy! Mommy! Not now, please!” Mabilis siyang binuhat ni Daddy. “Ernesto ang sasakyan!” Mabilis akong sumunod kay daddy. Tumakbo si Lucas. Everything is so perfect now is falling apart just a blink of an eye. Hindi pa

