ALLY’s POV Isang linggo akong namalagi kasama sina Daddy Nestor at Lucas sa mansyon namin sa Indang. Doon ko ulit nakilala ang sarili ko — si Allaina bago ang mga iskandalo, bago ang korte, bago naging headline ang pangalan ko. Hanggang sa maalala ko kung sino ako noong pagkabata ko. Nawala man ang alaalang iyon, still, I’m grateful. Sa mga gabi, magkakatabi kami sa porch. Si Daddy, ikinukwento kung paano niya ako unang binuhat sa ospital. Napangiti ako, his face was peaceful and calm habang nagkukwento. Parang iniimagine ko ang senaryong iyon sa utak ko, to make it my memory. Si Lucas, binabalikan kung paano ako nagsisilbing “ate na tatay-tatayan” noong bata pa siya. It’s weird knowing I thought I killed him; now, looking at him na malaki na, masaya ang puso ko. Naisip ko na ito na, it

