CHAPTER 3

1342 Words
ALLY’s POV Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Yakap-yakap ko ang unan nang sobrang higpit. Feeling ko si Conrad ang kayakap ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero natulog akong may ngiti sa aking mga labi. Kinabukasan mas nauna pa akong nagising sa aking alarm. Wala na kaming pasok ngayon dahil bukas ay graduation na at birthday ko. Pakanta-kanta ako habang naliligo. Parang napaka colourful ng paligid ko. Parang ang gaan nang pakiramdam ko. Mabilis akong nagbihis at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko doon ang mayordoma namin. Na hindi pa ata ako ipinapanganak nandito na siya nagtatrabaho. “Ang saya ata ng alaga ko.” Bungad ni Yaya Lib “Opo, dumating na po ang Ninong Conrad ko yaya, at kumain kami sa sikat na café sa Tagaytay kahapon. Hindi lang po ‘yan siya pa po ang naghatid sa akin kahapon!” Pagbabalita ko sa kanya. Nagulat man siya sa sinabi ko, pilit man ang ngiti niya hindi ko na iyon pinansin pa. “Kain na.” Simpleng aya niya, hindi tulad dati. “Ya?” “Hmmm?” Hindi siya tumingin sa gawi ko. “Uuwi po ba sina mommy at daddy sa graduation at birthday ko bukas?” Nabahiran nang lungkot ang boses ko. Kahit sobrang saya ko kani-kanina lang. “Hindi ko alam hija, wala silang sinabi na uuwi sila.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko at pinisil niya iyon. “Lagi na lang po silang wala. Maghihirap po ba kami kung isang araw man lang ibigay nila sa akin. Lagi-lagi na lang po. Nakakasawa na!” Pabagsak ko ibinaba ang kubyertos at iniwan si yaya. “Ally! Ally hindi ka pa tapos kumain.” Pero hindi ko na siya pinansin. Tumingala ako para pigilan ang aking pag iyak Sanay kana naman self. Simula pa man noon, ganyan na sila. Expected na iyon. Hindi na kailangan i-memorized pa. Parang lumipad naman ang isip ko pabalik sa nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Na bumalik si Ninong. “Ally dito na tayo?” imporma sa akin ni Mang Ernesto. “Ah opo, salamat po.” Akma kong bubuksan ang pintuan ng pinigilan ako ni Mang Ernesto sa braso. “Bakit po?” “Uuwi ang mga magulang mo mamaya, kaya h’wag kana malungkot ha?” Nakangiting saad niya sa akin. Kahit paano gumaan ang damdamin ko. “Opo. Sige po papasok na po ako. Ingat po kayo pag-uwi.” Mabilis akong umibis ng sasakyan. Tanaw ko agad si Claudia na naghihintay sa gate. Ang bruha naka ngisi na agad habang papalapit ako sa pwesto niya. Abot hanggang tenga ang ngiti niya. “Happy yern!” Salubong nito. “Sobra!” Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Five long years ba naman. “So hindi na galit ang bruha kay Ninong Conrad?” Tuksong tanong niya sa akin. Masaya akong umiling. “Nope, hindi na, ikaw ba naman may million gifts!” Pagbibida kong sagot. “What? Million? Weh? Hindi nga?” Halos lumuwa ang mga mata ni Claudia sa sagot ko. “Oo nga! Bukod pa diyan may Arabian chocolates ako besh hindi niya nakalimutan!” Nagtatalon-talon pa ako sa sobrang tuwa. “Oh, di ikaw na! Lika na nga mas kinikilig pa ako sayo. Last practice na natin mamaya. Tsaka pala kailangan natin pumunta sa principal kakausapin daw tayo after practice.” Imporma ni Claudia sa akin. Dumiretso na kami sa covered court para sa practice namin. Alam na naman namin ang pwesto pati ang kanta. Ayoko na sana pumasok pa. Nang makarating kami sa loob ng covered ko naroon na rin ang iba naming kaklase. Tanaw ko na rin si Philip. Siya ang matalik naming kaibigan ni Claudia. “Ally,” tawag ni Philip sa akin ng makarating kami sa pwesto niya. “Phil, hindi pa magsisimula?” Tanong ko dito. Umiling siya. “Can we talk?” Ngayon ko lang napansin ang pangangalumata niya. “May problema ba Phil? Tinatakot mo naman ako.” Hindi niya sinagot ang tanong at hinawakan ang pulsuhan ko. Napalingon ako kay Claudia pero hindi na siya nakatingin sa amin. “Philip Mark ano ba?! Kinakabahan ako sa inaasta mo!” Dinala niya ako sa isang locker room ng mga players. Inilock niya ang pintuan. “Philip hindi kana nakakatuwa ha? Ano ba kasi ang sasabihin mo? Bakit ganyan ang hitsura mo? May sakit ka ba?” Sunod-sunod kong tanong pero tahimik lang siya. Napatakip ako ng aking bibig nang magtaas-baba ang balikat niya at lumuhod ako sa harap niya. “Hey! Tell me may problema ka ba?” Hindi pa rin siya sumagot. Basang-basa na ang pantalon niya. Ilang beses kong niyugyog ang hita niya pero wala pa rin. Hanggang sa mangalay na lang ako at umupo sa tabi niya. Ipinatong ko ang pisngi ko sa balikat niya. Hanggang sa tumahan na siya. “Panyo?” Alok ko dito. Maagap naman niyang kinuha iyon. “I’m sorry,” hinging tawad niya. “Sorry, saan?” “You witness my weakest point,” sagot nito na hindi man lang lumingon sa akin. “Lahat naman tayo may weakest moment, at naintindihan ko naman iyon. Pero ano ba ang dahilan mo bakit ka nagkakaganyan?” Tanong ko dito. “Uh—uh! Hmm!” pautal-utal na sabi ni Philip. “Ano nga?” “A—ano kasi, wala! Lika kana!” Tumayo siya at hinila niya ako ulit pa labas. Pero hindi ako sumunod. Nakatalikod siya sa akin. “Wait! Wait! Umayos ka Philip huh? Nakakapikon kana! Ano ba kasi ang problema mo, kanina para akong sakong hinila mo dito, umiyak-iyak ka pa ang drama mo! Ngayon sabihin ko sa akin best actor ano ang problema mo? Mananalo ka ng FAMAS award niyan!” Ang haba ng litanya ko sa kanya na may kasamang gigil. Mataman niya akong tinitigan, namumula at singkit pa ang mga mata niya. Humakbang siya ilang dangkal mula sa kinatatayuan ko. “Aalis ako.” Napaawang ang labi ko. “Bakit?” “Gusto nila mommy at daddy sa States ako mag aaral ng college.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Diba promise natin sa isa’t-isa walang iwanan and friends forever?” Kahit anong pigil ko tumulo na rin ang luha ko. Philip is one of the kindest people I know. “I know, ayoko naman umalis. Pero ano magagawa ko Ally? Susuwayin ko ba ang parents ko?” Niyakap niya ako. Hindi na lang ako sumagot. Wala naman talaga siyang magagawa kung doon gusto ng parents niya. “H’wag mo kaming kakalimutan ha?” Tugon ko. Kumalas na siya sa akin. “Hindi mangyayari iyon.” “Weh, baka ilang araw ka pa lang doon hindi kana tatawag at may girlfriend kana. Isusumpa talaga kita Philip Mark Escobar!” napatawa na lang siya sa banta ko. “Silly! That’s impossible.” Sabi nito at hinila na niya ako palabas. “Bakit impossible? Baka blondie ang the one mo.” Tukso ko pa. Hanggang sa makarating kami sa line kung saan nagsisimula na ang practice. “Because I already found the one.” Aniya, hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako. “Nakita mo na? Luh! Ang daya! Bakit hindi mo pinakilala sa amin?” Ngumiti lang ito. “Ang tagal niyo namang dalawa! Ano nasabi mo na?” “Alam mo?” Nanlaki ang mga matang tanong ko kay Claudia. “Alangan! Paano hindi ko malalaman tayong tatlo lang magkasama lagi. Ikaw kasi lumilipad ang utak mo! Kung saan-saan nakakarating! Kaya wala kang alam na aalis na itong si Philip.” Pangbabara ni Claudia. “Tse!” “Graduates! Let’s begin!” Umayos na kami ng linya. Hindi na kami nag usap na tatlo hanggang sa matapos ang practice. Inabot din ang ilang oras iyon kahit naman memorize na namin ang gagawin. “Ally?” Tawag ni Ninong sa akin. Hindi agad ako makalingon. Oh my gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD