ALLY’s POV “Yaya! Bakit? Sino ang kaaway nila? Why is this happening to me Yaya Lib? Sino ang may gawa nito yaya? Sino?!” Halos mapatid ang ugat ko sa leeg sa lakas ng boses ko… “Hija huminahon ka. Pakiusap.” Gusto akong yakapin ni yaya pero iniwasan dumikit siya sa akin. Nagwawala na ako. Namamaous ang boses ko kakasigaw. “Ang sakit Yaya! Bakit?” hagulgol na ako nang iyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. “Hija, nakikiusap ako.” Umiiyak na rin si Yaya. Parang naubusan ako ng lakas. “Si Mommy yaya. Si Mommy.” Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit naman may sama ako ng loob sa mga magulang ko, mahal na mahal ko pa rin sila. “Sasamahan kita sa mommy mo, halika na hija.” Kahit pagtayo hindi ko kaya. Walang tigil ang iyak ko. Ina

