ALLY’s POV MULA sa simbahan dinala sa kanyang huling pagbabasbas, dinala na si Mommy sa isang exclusive cemetery dito sa Indang. Agaw eksena na naman si Tita Margaret sa kanyang off shoulder casual black dress. Nagdamit pa siya, sana nag bikini na lang siya dahil see through ang suot niya. Napailing na lang ako. Tahimik lang kaming umiiyak ni Yaya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Mommy! Mommy!” Palahaw kong tawag habang ibinababa ang kabaong niya. Parang ilang libong beses hinihiwa ang puso ko. Parang gusto ko na lang tumalon at sumama dahil pakiramdam ko hindi ko na kaya! “Mommy! Ipinapangako ko, hindi ako titigil hangga’t hindi ko makuha ang hustisya na dapat sa inyo! Isinusumpa ko pagbabayarin ko ang may sala! Sinusumpa ko!” Mahinang bulong ko at inihagis ang bulaklak na haw

