ALLY’s POV Napasigaw ako. “Daddy! Ninong! Tama na please!” Palitan sila ng malalakas ng suntok! Pero para silang mga hayop na parehong gutom at sugatan, walang may naririnig. Nakatingin sila sa isa’t isa na parang wala akong ibig sabihin sa kanila, kahit ako ang ugat ng lahat. “Tangina ka, Conrad! Kung hindi dahil sa’yo, tahimik ang buhay ng anak ko!” sigaw ni Daddy Hector, halos pumutok ang ugat sa leeg niya. Hinawakan niya sa balikat si Ninong Conrad at itinulak nang buong lakas, kaya halos sumalpok sa dingding si Ninong. Pero bago pa siya makalayo, sumugod si Ninong Conrad, hawak ang kwelyo ni Daddy, sabay isang mabigat na uppercut na tumama mismo sa panga niya. Narinig ko ang tunog ng maselang buto na parang may napitik. “Ikaw ang hindi makuntento! Pinagkanulo mo siya sa mga repo

