CHAPTER 1.2

1001 Words
Younis's POV "Si Emerson yun ahh!" Agad akong napatingin sa pwesto ni Kent at nanlaki ang mata ko ng wala na s'ya. Sumilip ako duon sa hinintuan ng jeep at nakatayo si Kent na nakatingin sa jeep kung nasaan ako ngayon. Bumaba na pala s'ya monggol 'yun ahhh. "Para po!!" Sigaw ko at ang ibang pasahero ay napatingin sa akin dahil sa ingay ko. Paghinto na paghinto ay nagmadali akong bumaba at sinamaan ko ng tingin si Kent na ngayon ay tumatawa na lang kaya lalo kong binilisan ang lakad papunta sa kan'ya. Sabay hampas sa braso nito. Sarap n'yang sakalalin.  "Monggol ka ba!" Galit kong sabi. Kung hindi ko pa nakita si Emerson baka nakasama pa ako dun sa jeep. "Anong monggol? Baka ikaw ang monggol! Sabi ko Younis tara na. Hindi ko alam na hindi mo narinig kaya nga tatawagan na dapat kita oh!" Tinaas n'ya pa 'yung phone n'ya sa harap ko. Sinamaan ko na lang ulit s'ya ng tingin.  "Ayun si Emerson" Tinignan ko 'yung tinuro n'ya at nandun nga si Emerson kung saan ko nakita. Napahampas tuloy ulit ako kay Kent. "Hoy uwi na lang kaya ako!" Bigla akong kinabahan, dahil sa lalaking 'yun. Hinila n'ya ang braso ko at sabay kaming tumawid patungo kay Emer pero ako patuloy lang sa paghampas sa kan'ya. "Kakausapin ka naman n'ya! Saka kasama mo naman ako." Natatawa nitong sabi. Nang makatawid kami ay pumunta ako sa likodan ni Kent. Habang palapit kami ng palapit kay Emerson ay lalo akong kinakabahan. Pinagpapawisan na rin ako. Bakit ba kasi nagblack pa ako. "Oy Kent!" Sambit nito para naman akong nabuhayan ng marinig ko ang napakagwapo n'yang boses. Nakared ito at pants tapos may suot na bag. Shems para kaming magdadate. "Sino una magshoshoot?" Nabasag ang pag-iimagine ko nang masalita 'yung monggol kong kasama. Bakit ba kasi sumama pa itong Kent na 'to. Sana date na namin 'to ni Emerson, ay ako nga lang pala 'yung inaya kung baga ako yung saling pusa dito. "YOUNIS!" Napalingon ako sa likod ko. Hala nasaan na sila?  "Ewan ko sayo Younis!" Napakamot ako ng ulo ng nakita ko na nauuna na pala silang maglakad. Kent naman pinapahiya mo ko sa bebe ko ahh. Sumunod ako sa kanila. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumusunod lang ako sa kanila. Ang pupuntahan namin ay  gate ng subdivision. Siguro sa bahay ni Emerson. Mayaman pala ito swerte ko talaga. Matalino na mayaman pa. "Ikaw muna kukuhanan ko. Wait ano ba gagawin mo?" Tanong ni Kent. Mukhang di naman ako napapansin ng kutong lupa na ito. Tingin n'ya sakin dito? anino lang. Patuloy lang silang nag uusap. Ako naman tinitigan ko ang bawat nadadaanan namin. Lumiko kami. "Uy lugaw muna tayo! Hindi pa ako kumakain eh!" Sino bang kumain na.  Bigla bigla s'yang nag-aaya dito dapat libre n'ya ako ngayon. "Kumain ka na ba?" Buti naman at naisipan n'ya akong tanungin. Kanina pa ako dito, Hindi man lang ako pinakilala kay Emerson. Baka dito na magtapos ang pagkakaibigan namin.  "Hindi pa/Oo" Tinignan ko si Emerson. S'ya ba 'yung tinatanong? Nang tumingin naman sa akin si Emerson ay binaling ko ang tingin kay Kent. Hala tumingin s'ya sa akin. Crush na din ba n'ya ako.  "Sino ba tinatanong mo?" Tanong ko kay kent. "Kayong dalawa, lugaw muna tayo!" Nauna na itong naglakad papunta sa lugaw house 'yan ang pangalan ng lugawan. "Boy libre mo ako ahh!" Pahabol kong sabi kay Kent. Tinaas n'ya lang ang kanang kamay nito hanggang sa nakapasok na s'ya ay sumunod lang ako. Huling pumasok si Emerson. Sa tabi kami ng glass wall. Si Kent ang umorder kasama si Emerson kaya sumunod na din ako namiss ko kasi si Emerson ko joke. Ilang minuto lang ay umupo na ako dahil sila lang naman ang nag-uusap. Anino lang yata ganap ko dito eh. Hinintay ko na lang silang bumalik. Pagbalik nila dito ay dala na nila ang pagkain na merong puto and soimai. Kaya naman na tuwa ako kay Kent. Ngayon lang s'ya naging ganto ah. 'Di na ako magtatanong baka bawiin pa n'ya eh. "Kent penge akong soimai ahh!" Kumuha akong isa. Tatlo lang kasi 'yun at isusubo ko na sana. "Kay Emerson 'yan" Napahinto ako at nanlaki ang mata sabay tingin kay Emer na nakatingin sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya. ibabalik ko na sana ng nakatingin sila pareho sa akin. "Penge ako Emer!" Sabi ko sabay subo. Nasakahihiyan na rin naman ako ituloy na natin.  Favorite ko itong lugaw, pero bakit kulay dilaw mukhang may hepa yata ito. Tinikman ko na at  masarap s'ya promise. Kaso 'di ako makakain masyado dahil feel ko tinitignan ako ni Emerson. Hindi ko tuloy na ubos 'yung lugaw sayang takte. Nagsimula silang magshoot ng vlog nila at ako ay lumipat ng kabilang table para di na makaabala sa kanila. Hiniga ko ang ulo ko sa table at pinagmasdan 'yung paa at kamay ni Emerson sobrang puti naman nito. Nagmumukha kaming libag ni Kent pag tumatabi kami sa kan'ya. Seryoso tapos pura ugat pa 'yung kamay n'ya. Unboxing ng phone 'yung gagawin n'ya sa vlog. Iniiwasan ko na lang matawa sa kanila. Hilig n'ya mag peace sign mana yata sa akin. "Wait sama mo si Younis." Nagulat ako sa biglang sinabi ni Kent. Hindi ko naman inexpect 'yun. "Sige!" Seryoso ba? Hinila ako ni Kent papunta sa tabi ni Emerson, pero syempre kunwari ayaw ko wala rin naman akong nagawa kasi charot charot lang na ayaw ko. Si crush na yan hello. "Ok pag sabi ko ng Go umpisa na ahh" Sabi ni Kent. Ako naman ay napataas ang kilay at agad na hinarang yung lens ng camera ni Kent. "Ano gagawin ko?" Walang idea kong tanong. Baka mali mali pa 'yung gagawin ko dito sirain ko pa vlog ni Emerson. Ok lang sana kung kay Kent eh pero hindi kailangan perfect pag kay crush.  "Ilalabas ko lang 'yung mga laman sa box ng phone ko tapos sasabihin ko kung ano iyun. Dagdagan mo na lang ng kung ano man gusto mong sabihin." Para tuloy akong inaantok sa ganda ng boses n'ya. Shems ang swerte ko naman na nilalang katabi ko pa 'yung taong gusto ko sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD