Chapter 01

1163 Words
Margaux “Woah, mukhang type ni Margaux, iyong lalaki sa kabilang table,” tudyo sa ‘kin ng dalawa kong kaibigan na kasama ko ngayon sa bar. "Parang suplado kaya mo kaya paamuhin?" paghahamon nila sa akin sabay ngisi tila may naisip sila na kalokohan. "Kotse," saad nila kinaangat ng kilay ko. "Ano naman game?" deretsang tanong ko sa kanilang dalawa ako pa ang hahamunin nila. "I-kiss mo siya at ibigay itong wine," tumango ako dahil ang dali lang pala ng pinagagawa ng kaibigan ko kayang-kaya ko iyon hindi ako umaatras kung ganito hamon lang. "Torrid kisses sa lips," kindat nila sa 'kin sabay nag-apir sila tuwang-tuwa sa naisip na game. "No way! Ang daya niyo naman akala ko basta kiss lang hindi niyo naman sinabi na sa lips to lips pala," laban ko kaya lang nang marinig ko ang premyo na ibibigay nila nagliwanag ang mata ko naging interesado ako. “Ayaw mo ng brand new car?" saad ni Helena saglit kong kinapatda. Brand new pala akala ko second hand aayaw pa ba ako of course lalaban ako. “Iyon ba ang prize?” kumislap ang aking mata sa excitement. “Yeah, pero dapat totoong kiss, ha?” saad nito. Kung sabagay kiss lang naman anong masama sa kiss. Total hindi ko naman din ito first kiss kaibahan lang smack kiss lang dati pero ngayon torrid talaga gagawin ko. Dahil din iyon sa kagagawan din nitong dalawa kong kaibigan noong last week naming punta sa disco-an. Aba'y may napag-tripan din mas malala pa 'yon kasi bodyshot ang ginawa ko. “Bakit ganiyan ang titig mo sa ‘min? Same naman kami marami ng na-kiss. Ano ka ba Margaux. Kiss lang naman hindi ka naman bubuka—” “Hoy! Siraulo kayo,” nanlaki ang mata ko. Natawa rin ako sa kalokohan nitong dalawa. Kasi totoo naman dahil si Marrianne naka tatlong boyfriend na. Latest ngayon ang tumagal ngunit one hundred percent naman na hanggang kiss lang talaga kami. Sa aming tatlo ako ang mas bata at ako rin ang hindi pa nagkaroon ng boyfriend. "Okay fine!” pagsuko ko. “Basta Helena ang kotse ko, ha!” paalala ko sa kaniya. “No worries may isang salita ito,” sagot ni Helena nginisihan ako. "Woohoo! Ang astig mo talaga Margaux Chavez!" sigaw ng dalawang kong kaibigan. "Ako pa!" taas noo ko pang sagot sa dalawa habang naglalakad ako upang puntahan ang table ng lalaki. Subalit bago pa ako makarating sa table. Namilog ang mata ko ng may namukhaan akong pamilyar na pigura. Sh*t! Siya iyon. May dare din ako noong unang nakita ko siya rito sa bar. Bakit laging nagtatagpo ang landas namin sa ganitong eksena. Naku po baka isipin pa nito playgirl akong babae, dahil kada kita niya nag-aaya ako ng halik sa ibang lalaki dahil sa pustahan namin ng dalawa kong kaibigan. Ang tiim ng titig nito pinanonood ako habang binabaybay patungo sa assignment ko. Solo ulit nito ang table at mag-isang umiinon. Bakit kaya lagi itong solong umiinon? Brokenhearted ba ito? Ganitong ka yummy nabibigo pa rin pala sa babae? Nagkatitigan kami lumakas ang tahip ng dibdib ko lalo na't pinasadahan niya ako ng tingin. Tumalim ang mata ng sa dibdib ko napunta ang mata nito. Ngunit mamaya lang nakataas na ang sulok ng labi nito na para bang mayroon itong naisip na kalokohan. Binalewala ko iyon kahit na bigla akong kinabahan. Parang nagdadalawang isip na ako kung tutuloy sa dare ng dalawa kong kaibigan. Pero sayang naman ang makukuha kong premyo kung ngayon ay aatras pa ako. Napabuga ako ng hangin sa bibig ng habang papalapit ako sa p'westo ng bibigyan ko ng alak. Pakiramdam ko kasi, sinusundan pa rin niya ako ng titig. Hindi ko maiwasang panginigan ng tuhod dahil ramdam ko ang mainit nitong paninitig sa likuran ko. May nag-utos sa ‘kin na lingunin ang lalake. Admiration? Kung pangalan ko ang nakikita ko sa mata niya. May nakatagong pilyong ngiti rin sa mata nito kaya mabilis kong binawi ang aking tingin. "Go gurl!" sigaw ng dalawa kong kaibigan kaya napakurap ako sa sigaw ng dalawa. Pisti! Doon na pala napunta ang isip ko sa lalaki. Nang makarating ako table. Mabait naman pala ang lalaki na assignment ko. kinausap ako. Hindi man lamang ako humanga kahit g'wapo rin ito. Pero d-doon ako humanga sa lalaki kaninang nadaanan ko. "Hi, pwede ba akong mag-join sa inyo?" mapang-akit na tanong ko. Natulala ito kaya lihim akong nagbunyi. Mukhang mapapasunod ko ito sa pakiusap ko. Kahit kinakabahan ako umupo ako sa tabi nito at ibinigay ang hawak na kopita. Basta assignment ko ito kailangan kong kumilos upang matapos na at makabalik na ako sa table namin. Kung magtatagal pa ako baka matalo ako sa pustahan dahil nanginig na ang tuhod ko sa kaiisip sa lalaki kanina. "Margaux! Ang tagal mo naman,” sigaw ni Marrianne at Helena. Napalunok ako parang gusto kong umatras sa mga oras na iyon. Ngunit ang pride ko ang nangingibabaw sa akin kung matatalo nila ako sa pustahan. Narinig ko ang tilian ng dalawa kong kaibigan ng hawakan ko sa kamay ang kaharap na lalaki. Walanghiya napasubo pa yata ako rito ah. Nanlaki ang mata ko ng biglang naging maingay ang paligid at sunod mayroong serena ng mga pulis. Nagtilian ang mga tao sa loob ng bar kaniya-kaniyang takbuhan. Ang kaharap kong lalaki namutla ito biglang umalis sa table mag-isa na lang akong naiwan sa table hindi malaman ang gagawin. “Taas ang kamay!” narinig kong sabi ng pulis sa hindi kalayuan. Akala ko ako ang hinuhuli ngunit nanlaki ang mata ko ng nasa harapan ko na ang lalaki kanina seryosong nakalahad ang kamay nito sa ‘kin. “God dammit! Miss, are you blind? Mamaya ka na managinip tumayo kana r’yan kung ayaw mong mahuli ng mga parak at sa presento ngayon matulog," “O-oo t-tatayo na ako,” nauutal kong sagot dito sa maawtoridad niyang tinig. Nagpaubaya ako ng hilahin niya ako. “Ouch,” napadaing ako sa sakit nang tumama ang binti sa paa ng isang upuan. Mabuti na lang, naka baggy jeans ako ngayon ngunit tube blouse ang pangtaas ko labas ang maliit kong baywang kaya itong kasama kong lalaki galit kanina ng dumako ang tingin sa baywang ko. Nilingon niya ako. Bumuntong hininga. Pagkatapos lumuhod ito para i-check ang binti ko, kaya namilog ang mata ko yumuko ako sa kaniya. “A-ayos lang ako,” taranta kong sabi. “Kaya mo bang maglakad?” tanong pa nito may pag-aalala sa boses niya. “Seriously? Nauntog lang ang binti ko hindi ako napilayan!” bulalas ko. Mahina itong tumawa kaya natulala ako. Bakit pati boses nito ang guwapo. “Oh, s**t! If you don't stop to fantasize about me, Miss, the cops will catch us," balik seryoso ang boses nito. Pinasadahan muna niya ako ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Let's go bago pa sila makapunta rito,” sabi nito muli niya akong hinila palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD