"Kara! Bumaba ka na aalis na tayo!" patawag sa akin ni Ate Lara. "Oo ate, nandiyan!" hiyaw ko rin. Nagyaya kasi si ate Lara at Sara sa Mall. Ang totoo niya ay tinatamad akong pumunta lalo at nagtatago pa rin ako kay Lex. Saka nalaman ko rin wala naman pa lang relasyo si ate Lara at Lex. Ayaw kong magpakita kay Lex, lalo at nakikita ko sa mukha nito ang galit sa akin, naalala ko pa noong pumunta rito at hinahanap ako. Ang nakaraan... Masaya kaming nag-uusap nina ate Lara at Sara rito sa sofa nang marinig ko ang sunod-sunod na dating ng mga sasakyan, kaya nagmamadali akong sumilip sa bintana, makita agad ng mga mata ko si Lex at nagmamadaling bumaba ng kotse. "Shitt! Ate, Ate, Ate! Itago ninyo ako bilis!" bulalas ko. "Ha bakit?" tanong ni ate Lara sa akin. "Kasi nandiyan si Lex," wik

