Nandito kami ngayon sa Laguna na kung saan inaalam namin ang isang pagawaan ng drugs, nakita namin ang isang mataas na pader. Tiningnan ko rin ang suot kung singsing kung umiilaw ito, dito ko kasi malalaman kung my mga cctv sa lugar, walang akong nakitang ilaw, ibig sabihin walang cctv dito, nakita ko si Sky at Shy na umikot sa likod ng pader. Inilabas ko ang tali sa bag ko at mabilis itong wina-siwas paitaas sa pader na papunta sa isang malaking bakal para makaakyata ako pataas sa pader. Mabilis ang mga pagkilos ko at tumungtong agad sa ibabaw ng pader at padapang gumapang sa madilim na parte. Inayos ko rin ang tali na ginamit ko para hindi makita, dahil dito rin ako dadaan mamaya. Tumalon ako sa lupa at walang ingay na naglakad. Hindi naman ako basta makikita dahil sa suot kung

