PARANG baliw na nakatulala lang si Albert sa photo frame na ilang oras na yata niyang hawak-hawak. Nang bumalik siya sa sarili niyang bahay para sana tignan lang iyon at ang mag-ina niya ay iyon na lang ang nakita niya. His heart was broken. Tinotoo nga ni Jackie ang gusto niya. Umalis nga ito ng bahay kasama si Jileen. Wala rin si Simba kaya sa tingin niya ay isinama na rin nito ang aso. It was for the better. Ginusto rin nga niya iyon 'di ba? Masyadong maganda at mapagmahal ang asawa at anak niya para manatili lang sa isang kagaya niya. Marami pang lalaki ang karapat-dapat kay Jackie. At hindi siya iyon. Sinasaktan lang niya ito. Pinapahiya. Naging eye-opener kay Albert ang narinig mula sa ina ni Jackie. Masama nga naman siyang lalaki. Demonyo siya. Sa una pa lang, hindi niya nirespeto

