24

571 Words

Two Years Ago... NAG-LEAVE ng dalawang linggo sa trabaho si Albert sa trabaho nang manganak si Jackie. Wala kasing puwedeng tumulong rito sa recovery nito at sa pag-aalaga ng anak nila. Nang manganak ito ay saktong nagkatrangkaso ng isang linggo ang ina nito. Hindi rin makaluwas ng Maynila ang ama nito para alagaan ang asawa. Pagkatapos naman noon ay may isang linggong pilgrimage ang mag-asawa sa Baguio. Okay lang naman kay Albert ang pag-leave sa trabaho. Naiintindihan niya na responsibilidad niya iyon. Kaya nga lang, pakiramdam niya ay may nag-iba sa sarili niya simula nang manganak si Jackie. Madalas na iritado siya, lalo na nang makauwi sila ng bahay kasama ang anak. Iyakin si Jileen. Madalas rin ay tuwing gabi ito gising. Halos wala tuloy silang pahinga ni Jackie. Maligalig rin ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD