SABADO ng gabi ay tinawagan ni Albert si Jackie. Niyaya siya nitong lumabas kasama ang aso nitong si Simba bukas ng umaga. Pagkatapos noon ay mag-aalmusal daw sila. Wala pang alas sais ay nasa baba na ng condo unit ni Maricel si Albert. Pero mas nauna pa rin siya rito dahil maaga siyang nagising sa excitement. Ilang beses tuloy siyang niloloko ni Maricel. Pero ngiting-ngiti lang siya sa kaibigan. Dinala ulit ni Albert si Jackie sa bahay nito. Maliit lang iyon pero maganda. Hindi rin exclusive subdivision ang lugar pero maganda rin ang facilities. Tahimik at hindi pa ganoon karami ang bahay at tao. Ang sabi ni Albert, bago pa lang raw kasi iyon. Ito raw ang isa sa mga unang nakabili ng property. Magandang lugar ang subdivision kaya doon na rin nila iginala si Simba---ang chow chow nga na

