28 "Wife, gising na. Tanghali na." Naalimpungatan ako nang maramdaman ang marahang pagtapik ni Dwayne sa aking balikat. I slowly opened my eyes and Dwayne's features welcomed my sight. "Wala ka ng sakit?" Agad na tanong ko pagkamulat ng aking mga mata. Dwayne chuckled. "Kakagising mo lang, 'yan na agad ang tanong mo. Bangon na, hinihintay ka na ni Lolo sa baba." Nanlaki ang aking mga mata bago mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. Kunot-noong humarap ako sa direksiyon ni Dwayne. "Anong sabi mo? Si Lolo, nasa baba?!" I yelled. Marahan siyang tumango at inosenteng tumingin sa akin. "Bakit gulat na gulat ka?" he asked. "Bakit nandiyan na siya samantalang ilang araw pa siya dapat bago umuwi?" takang tanong ko bago bumaba sa kama. "Gisingin na raw kita, e," saad niya. I gave him

