05
"Ah, I badly wanna sleep," sambit ko nang makarating kami sa aking condo.
Humiga ako sa sofa kaya't naiwang nakatayo ang tatlo. "Mamang Ichi, ikuha mo naman ako ng baso ng tubig, please," utos ko at humikab.
I saw her secretly rolled her eyes but I just shrugged it off. Sa tinatamad akong kumuha ng tubig, e.
"Oh," saad niya nang makarating sa kusina habang may dalang baso.
I shot a brow up. "Bakit walang tubig?"
"Sabi mo baso ng tubig, hindi mo naman sinabing baso na may tubig," she said in a matter of fact tone.
Umirap ako at sinamaan siya ng tingin bago nagbaling ng tingin kay Isaac. "Ikaw, ikuha mo ako ng isang baso na may lamang tubig," utos ko sa kaniya.
Agad naman siyng nagkibit-balikat at nagtungo sa kitchen. Napangiti naman ako at bumangon mula sa pagkakahiga nang makitang may dala nga siyang baso na may tubig.
"Oh ito na," sabi ni Isaac at iniabot sa akin ang ipinakuha ko. Mabilis ko naman iyong tinanggap at agad na ininom.
My brows immediately furrowed upon tasting the water. I wet my dry lips. "Bakit ganito ang lasa ng tubig?!"
"Nellie, pare-parehas lamang ang lasa ng tubig," segunda ni Mamang Ichi.
"Hindi, ah! Saan mo ba kinuha ang tubig na ito, ha Isaac?" tanong ko at bumaling sa direksiyon ni Isaac.
A playful smirk etched his lips. "Diyan lamang sa gripo," he answered.
My eyes widened. "What?! Alam mo naman na hindi ako umiinom ng ganoong tubig!"
"Ang arte mo naman, Nellie. Hindi mo naman sinabi na mineral water ang ibigay ko," giit niya kaya't muli ko siyang inirapan.
Inilapag ko ang baso ng tubig sa sahig bago tumingin kay Dwayne na tahimik lamang na nagmamasid sa aming tatlo.
"Hey, pasensya na. Medyo may sira kasi sa ulo ang mga kasama ko kaya ganiyan," saad ko sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala, mas sira ang ulo niyan," sabi ni Mamang Ichi at itinuro ako gamit ang kaniyang labi. I rolled my eyes before looking at Dwayne once again.
"By the way, Nellie nga pala. Nellie Ongpauco," I introduced myself as I offered my hand for a handshake.
He looked at me weirdly but he still accepted my hand. "I am Dwayne Fontanilla. Pleased to meet you," formal na pagpapakilala niya.
I nodded before looking at Mamang Ichi at Isaac. "Those were my acquitances. This is Mamang Ichi, she's my bodyguard s***h driver s***h yaya s***h taga-luto s***h assistant s***h my parent. Basta lahat na," saad ko at itinuro si Mamang Ichi.
"Hi, Mamang Ichi nga pala," nakangiting pagpapakilala ni Mamang Ichi kaya bahagya akong napairap.
"Good evening Miss. . . Mamang Ichi?" Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ni Dwayne. This guy is quite innocent, huh?
"Ay, Mamang Ichi na lamang. Wala ng miss," segunda ni Mamang Ichi.
Napatango naman si Dwayne bago tumingin kay Isaac. Muli naman akong napairap dahil mukhang lalaking-lalaki kung tumayo si Isaac ngayon. Psh, baka nga mamaya pinagnanasaan na pala nitong si Isaac ang lalaking ito sa utak niya.
"That is Isaac. Uh. . . My friend," pagpapakilala ko kay Isaac. Kita ko ang bahagyang pagngiti ni Isaac nang tawagin ko siyang kaibigan pero inismiran ko lamang siya. For sure, ipagkakalat niya sa hacienda na tinawag ko siyang kaibigan pag-uwi namin.
"Good evening," bati ni Dwayne kay Isaac.
"Magandang gabi rin, 'tol," maangas naman na sagot ni Isaac kaya't bahagya akong napailing.
Ako raw ang artista samantalang mas magaling nga siyang magpanggap kaysa sa akin. Scammer.
I cleared my throat and that made them look at me. "Puwede bang umupo muna kayo?" tanong ko at itinuro ang isa pang sofa na kaharap ng inuupuan ko.
Agad naman silang sumunod kaya't napahikab ako. "So Dwayne. . ." I trailed off.
"Yes?" he asked as his brows furrowed.
"Wala ka namang sakit, ano? Like HIV. . ."
"Wala," he cut my words off.
Napatango naman ako dahil sa sagot niya. "May bisyo ka?"
"Umiinom ako ng alak pero hindi ako naninigarilyo," sagot niya habang nakakunot pa rin ang noo.
"Never ka pang naka-try na mag-drugs?"
His brows arched an inch. "Why? May ibebenta ka ba sa aking drugs? Sorry but I am not interested with those kind of stuffs," tanong niya.
"So hindi ka pa nakakapag-try?" I asked once again.
Dwayne let out a harsh breath and slowly nod his head.
Pilya akong ngumiti sa kaniya. "Gusto mong i-try?" biro ko. Hindi pa nagtatagal ay may tumama na agad sa aking unan.
"Hindi tayo drug dealer, Nellie," Mamang Ichi remarked and looked at Dwayne awkwardly. Napalabi naman ako.
"Hindi naman kayo mabiro. Ang boboring niyo naman, ano ba 'yan?" saad ko at muling tumingin kay Dwayne na mukhang wala pa ring alam sa mga nangyayari.
I cleared my throat once again. "So Dwayne, may girlfriend ka ba?" tanong kong muli.
His brows furrowed. "I don't have one. Why?"
"How about a wife?"
"Siyempre wala rin," sagot niyang muli habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo.
I nodded lightly. "That's good," I stated as I crossed my legs.
"Can you just get straight to the point? Ano ba talagang gusto niyong gawin ko? What kind of business are you going to offer to me? Is it legal?" Sunod-sunod na tanong niya.
I pouted as I twirl a lock of my hair. Kung mayroon mang ayaw ako sa lalaking ito, napaka-impatient niya. Hindi marunong makapag-hintay at puro tanong!
"Mamang Ichi, bigyan mo nga muna ng tubig itong si Dwayne para naman kumalma kahit papaano," utos ko na agad namang sinunod ni Mamang Ichi. This time, hindi na siya nag-loko at totoong inabutan ng isang basong tubig si Dwayne.
Uminom nang kaunti si Dwayne sa tubig pero agad ding tumingin sa akin. "Tell me what you need from me," sambit niya.
Napailing naman ako. This guy is really impatient! Really.
Magsasalita na sana akong muli para sumagot sa kaniya nang biglang tumunog ang aking phone mula sa dala kong shoulder bag. I yawned as I pick it up. Wala namang ibang tatawag sa akin maliban sa isang tao.
I cleared my throat for the umpteenth time before I answered the call. "Yes po, 'Lo?" I answered sweetly.
Mahina namang tumawa si Mamang Ichi kaya't tiningnan ko siya nang masama pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.
"Nellie apo, sabi ng mga katulong natin dito sa mansion ay umalis ka raw kasama si Isaac. Kailan kayo uuwi?" he asked.
"Ah Lolo, something came up po kasi rito sa Maynila. Babalik din po kami agad kapag naayos na namin ang problema," sagot ko at tumingin sa gawi ni Dwayne na tahimik akong inoobserbahan. I just smiled playfully at him and I saw how his brows furrowed because of what I did. Agad siyang uminom ng tubig kaya't mas lalo akong napailing.
Do I have an effect to this guy now?
"Anong nangyari, apo? Aba'y may problema ka bang hindi sinasabi sa akin?"
I bit my lower lip. Mayroon, Lolo. Malaking malaking problema.
"Ano po kasi 'Lo. . . Uh. . . Tungkol po sa asawa ko. Opo, tungkol sa kaniya," sagot ko.
"Talaga ba? Anong problema, apo?"
"Sa trabaho niya lamang po rito sa Maynila, Lolo. Gusto niyo po siyang makita, hindi po ba? Ano uh. . . Inaayos niya na po lahat," I answered nervously.
"Kailan ba kayo uuwi rito? Para naman masabihan ko na ang mga katulong natin na maghanda sa pag-uwi niyo at nang maipaayos ko na ang magiging kama niyong dalawa."
I almost choked on my own saliva because of what he said. Sinasabi niya bang mags-share kami ng kuwarto ng 'asawa' ko?!
I mentally cursed myself. Siyempre nga naman, Nellie. That's normal. Ugh!
"Sige po, Lolo. Babalitaan ko po kayo agad," pagsisinungaling ko.
"Oh siya, mag-ingat kayo riyan. Huwag magpapalipas ng gutom, Nellie apo."
A smile crept my lips because of what he said. "Kayo rin po, 'Lo. Huwag kayong mnainigarilyo habang wala ako diyan."
He chuckled on the other line. "Siya'y sige na. Ibababa ko na ang telepono. Mag-ingat Nellie, ha?" bilin niyang muli.
"Ingat din po kayo, Lolo. I love you po," sambit ko bago niya patayin ang tawag.
Agad ko namang ibinalik sa aking shoulder bag ang aking telepono bago tumingin kay Dwayne.
"You don't have a wife, right?" tanong ko sa kaniya.
Muli namang kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko pero sa huli ay marahan lamang siyang tumango. "I don't have any," he answered once again as he chugged down his water.
"Do you want to be my husband?"
------