22 "You're jealous because?" Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin bago ako iniharap sa direksiyon niya. Hawak niya ang aking balikat samantalang naguguluhan akong tumingin sa gawi niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan samantalang seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Sa huli ay malakas siyang bumuntong hininga at nag-iwas na lamang ng tingin. "Don't mind me," tanging saad niya. "Ha? Hindi kita maintindihan." "Huwag mo na lamang pansinin ang sinabi ko. Kalimutan mo na lamang," sabi niya at binitiwan ang aking balikat. "Then ipaliwanag mo para maintindihan ko," giit ko Sa halip na sagutin ako ay tumalikod siya sa akin. "Tawagin mo na lamang ako kapag aalis na tayo o kaya kung kailangan mo ng tulong ko." "Saan ka pupunta?" He gave me a half shrug. "Mag-iikot-ikot lamang diyan

